Taga UP Diliman ka kung . . .

Kung taga UP Diliman ka at meron kang Facebook account malamang member ka ng Facebook page na ito. Sumikat ito sa interwebs at meron nang 33, 926 members and still counting. Nakakatuwang basahin ang mga posts dun dahil maaalala mo mga experiences mo sa UP Diliman. Kapag naglagay ka ng post dun wala pang isang oras natabunan na ang entry mo. Meron din mga sikat na posts tulad ng “Paano mabubuko kung matanda ka nang taga-UP?” at “Anung course mo at anong ang trabaho mo ngayon?”—na nakakatanggap ng mga 5000+ comments (nung last na bisita ko). May nagpost nga na sa sobrang dami daw ng nagpopost dun naghang daw yung page ng isang oras. At dahil sikat na ang page na ito na feature ito ni Jessica Soho sa SONA (State of the Nation)

Sa sobrang dami kong gustong ilista naisipan ko nalang gumawa ng isang blog post para isang buhusan nalang.

Taga UP Diliman ka kung . . .

• Alam mo na ang kahulugan ng mainit na monay at keso sa mahangin (at medyo mainit) na alas kwatro ng hapon—LANGIT SA LUPA. Huwag mo rin kalimutan ang malamig na coke na panulak. Heben pare, heben!

• Natawa ka rin nung unang nalaman mo na ang kabaliktaran ng ruta ng IKOT jeep ay TOKI. And speaking of ikot jeep, meron din umiikot sa unibersidad na urban legend na meron daw gwapitong ikot driver na once in a blue moon lang daw pumapasada. Ito lang po ang masasabi ko . . .  hindi po ito urban legend at gwapo talaga siya. :>

• Hindi mo makakalimutan ang iyong student number. At minsan hinanap mo rin ang kasunod mo ng student number dahil feeling mo siya na ang iyong soul mate (o baka ako lang yun). Actually hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino siya. Kung ikaw si student number 02-01772 at binabasa mo ito ngayon, magparamdam ka naman. Love, 02-01771.

• Sa AS mo makikita ang mga cute guys and gals. PERO sa FA mo naman makikita ang mga artistahin. Artist . . . a . . . never mind.

"I'm just an ordinary boy, eating isaw and drinking coke."

• Urban legend uli: Sabi nila kapag nagpakuha ka raw ng picture sa Oble hindi ka raw gagraduate on time. Buti nalang nagpapicture na ako nung grumadweyt na ako.

"Kilala mo ako kung alam mo ang pelikulang 'Zamboanga'"

• Since graduation na rin lang ang pinag-uusapan, alam mo kung kailan magkakaroon ng sunflowers sa University avenue.🙂

• Naalala mo yung physical exam nung freshie ka bago ka makapag-enroll . . ? hint: wear your best underwear.

• Dati tatlong piso lang ang bayad ko sa ikot/toki jeep, malakas pa loob ko noon manglibre ng mga kaklase. Ngayon kapag nagbayad ako ng sampung piso, yung dati kong pangbayad ay sukli nalang sa akin ngayon.😦

• Minsan mo na rin pinindot ang “eject prof” na button sa CS audi.

• Proud Isko/Iska ka simula nang malaman mong pumasa ka at hanggang sa ngayon.

Madami pa akong gustong ilagay pero pinigilan ko lang sarili ko. Sana ay napangiti ko kayo habang sabay natin inaalala ang mga masasayang eksena natin sa UP Diliman.🙂 Kayo? Ano ba ang UP Diliman experience ninyo?

  Current mood: Nagbabalik tanaw.

10 thoughts on “Taga UP Diliman ka kung . . .

  1. Woohoo! Proud UP Diliman…joke. Hindi man ako taga-UP Diliman, nag-enjoy pa rin ako basahin ang post mo. At kahit kakaunti lang ang memories ko sa diliman, marami naman akong crush doon. hahaha…

  2. Pati pa sa ibang campus ng UP kailangan ng physical exam? Tsaka pati babae eexamin din? Pa’no yun?😄 Sorry, ang daming tanong! Incoming freshie ako eh. Hehe… BTW, Nice post!🙂

    • Hi Paula! Thanks and congrats din dahil nakapasok ka sa UP.🙂 I think lahat ng incoming freshie kahit saang UP campus kailangan magundergo sa physical exam. And yes kahit babae titignan. Don’t worry kasi female doctor naman ang titingin sa mga babaeng estudyante.🙂 Saan UP ka pala papasok? Enjoy your college life! Exciting yan.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s