Tips: Beauty and make-up

Gusto kong isulat ito dahil lately na realize ko na tumitingin na ako ng make-up tutorials sa internet na hindi ko naman ginagawa dati. I think my life as a cockroach is already coming to an end and I am now turning into a beautiful butterfly. CHOS!

Ang topic na ito ay tungkol sa make-up. Hindi ko na ineexpect na magugustuhan ito ng aking mga machong mambabasa pero kung gusto ninyong makadagdag ng kaalaman I encourage you to read this.

Disclaimer: I am not a make-up expert. Lahat ng ilalagay ko dito ay base sa experience ko at sa mga articles na nababasa ko. Kasama na rin ang mga tips na binibigay ng mga friends ko na matagal nang nagmemake-up.

Practical make-up tips:

1)   Less is more. Alam kong cliché pero totoo pa rin ito. We want to see your face and not your make up. Ang make-up ay pang-enhance ng iyong mukha o features ng iyong mukha. Kung napapansin nila ang iyong make-up kesa sa mukha mo, balik ka uli sa salamin baka masyadong matapang ang make-up mo.

2)   Huwag matutulog ng hindi inaalis ang make-up.  Alam ko minsan nakakapagod nang mag-alis ng make-up lalo na kapag galing trabaho. Kailangan hugasan ang mukha, mag-apply ng make-up remover, and moisturize. Tedious pero malaking tulong ito sa mukha mo. It’ll prevent acne breakouts and sty (kulite). At masmasarap matulog kapag malinis ang mukha hindi ba?

3)   Hydrate. Do your skin a favor and drink lots and lots of water. Pwede tayo mag-apply ng sandamakmak na moisturizer kung hindi naman natin inaalagan yung skin natin from the inside kahit anung apply natin hindi ito makakatulong.

4)   Check if your make-up is expired. Dahil ayaw natin maglagay sa mukha natin ng make-up na may molds at bacteria. I think 1-2 years lang ang shelf life ng make-up (well depende din kasi yun sa brand). Always check or ask your make-up dealer kung gaano katagal ang shelf life ng iyong make-up.

5)   Don’t buy make-up imitations. Alam kong mura pero hindi lahat ng mura maganda. Yung ibang murang make-up, lalo na yung mga imitation, ay may mga chemical content/ingredients na harmful sa mukha natin. Read more here

6)   Bonus tip: Smile. I think the best we can wear is a genuine smile. This is far better than make-up. Masnagiging glowing ka at approachable sa mga people. At anung ibig sabihin ko ng “genuine smile?” it’s smiling with your heart.

Sana nakatulong (kahit konti) ang aking mga tips.😉

  current mood: Because a cockroach is now a butterfly. (metamorphosis level: crazy)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s