Jesus LOL?!

Lumaki akong nanonood ng “Super Book” at “Flying House” at nakinig sa mga Bible stories sa Sunday school. Maaga palang sa buhay ko na expose na ako sa mga Bible stories, characters, at higit sa lahat kay Jesus. Pero lately ko lang napansin, at nakakahiyang aminin, nahihirapan akong iimagine na tumatawa rin pala si Jesus.

Lagi ko kasi siyang naiimagine na naka-poker face parati at mukhang seryoso, lalo na siguro kapag magppray siya, magtuturo, at kausap yung mga disciples. Ako lang ba ito? Siguro dahil na rin sa kultura ng mga Pilipino na laging seryoso dapat sa loob ng simbahan at kapag Holy Week kasi “patay” si Jesus. Sabi ng lola ko kapag semana santa bawal maglaro, bawal tumawa, at bawal daw maligo kapag hapon na (Ew! Kadiri!).

Wala pa akong nakikita na verse na pwede kong ilagay dito na tumawa si Jesus, pwede pang Jesus wept, Jesus was angry, Jesus had compassion, pero “Jesus laughed?” I don’t think so.

I like to laugh a lot. Mababaw lang talaga kaligayahan ko. I also like to make people laugh. At sa mga taong nakabasa na ng aking blog mapapansin ninyo ito. God created me this way at sinabi rin sa Bible God created us in His own image, His own likeness (Genesis 1). God knows what it feels like to laugh, so He knows what it feels like to be delighted.

Ang kababawan ni God ay makikita sa mga parables ni Jesus. He describes His Kingdom with the simple joys in life:

  • Like the man who found the treasure and the pearl.
  • Like the woman who found the lost coin.
  • Like the father who was reunited with his lost son.
  • Like the workers in the vineyard who received their wages equal to the ones who worked longer.
  • Like a banquet.

Isa pa, Ang first miracle ni Jesus? Water turned into wine. Hindi manlang raising the dead or healing the sick, eh pang party-party lang yun diba? But Jesus did it and the people rejoiced.

You get my point? Madaming may akala na kapag naging Christian ka lulungkot na buhay mo. Madami na raw kasing “bawal.” Christianity is not about fulfilling your religious duties, it’s about having a meaningful relationship with Jesus. It’s also not just having what you want, but you wanting Him and delighting in Him.

Hindi ko alam sa inyo, pero kapag nagkita kami ni Jesus gusto ko (after ko siguro Siyang ihug) mag-high five kami.😀

Nga pala, sure akong may kainan sa heaven. Yahoo!

 

  Current mood: DELIGHTED!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s