Unicorns and Pregnant Kisses

Nung bata ako naniniwala ako sa unicorns. Salamat sa Lisa Frank art works, sa My Little Pony and Friends, at sa pelikulang The Last Unicorn na pinaniwala ang aking murang isipan na totoo ang mga ito. Pero nung nalaman ko na hindi pala totoo ang mga unicorns hindi naman ako masyadong nalungkot, hindi ako nagluksa o kung anuman. Keri lang at patuloy pa rin ang buhay.

Pero, at isang malaking PERO, nung nalaman ko na hindi totoong nanganganak ang mga Kisses nagguho ang mga pangarap kong makabuo ng isang masayang Kisses family. Para sa mga “infant child” na hindi alam kung ano ang Kisses (dahil hindi ninyo na ito naabutan) ang Kisses ay mga maliliit na air freshener na nilalagay namin sa aming mga pencil case, school bag, at bulsa. Makukulay at Mabango ito at kasing liit lang ng butil ng Japanese rice kaya hinay hinay lang sa pagsinghot para hindi ito pumasok sa inyong ilong. Binebenta ito ng pakepakete na may laman na ilang gramong magagandang kulay na Kisses. Naging sikat ito nung 90’s at tulad ng aking nabanggit lalo itong sumikat nung meron daw nakadiskubre na pwede itong manganak. Pesteng urban legend na yan!

Okay lang sa akin na hindi totoo si Santa Clause at mga unicorns, pero sabihin na nanganganak ang mga Kisses???!!! Bakit ninyo niloko ang mga inosenteng bata na tulad ko??? Umasa ako!!! Meron na akong mga pangarap para sa baby Kisses na mabi-breed ko!!!

Hinga . . . hinga . . .

Anyway, nakapag-move on na ako. Sa mga classmate ko na nagsabi na nanganak Kisses nila at nagbigay pa ng mga advice, I forgive you.

 

  current mood: Holiday mode!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s