AMALAYER, AMASINNER, AMASEYNT and everyone in between

Kumakalat ang isang video sa internet tungkol sa isang babaeng nahuling may inaaway na lady guard sa LRT station. At kung hindi mo pa napapanood ang video o nababalitaan ang insidenteng ito, malamang nakatago sa ilalim ng bato nung mga nakaraang araw. Madaming bumatikos, nainis, natawa, at pinagtawanan ang nasabing babae. Tinawag siyang AMALAYER dahil ito ang unang salitang paulit-ulit niyang sinasabi sa video. “I’m a liar?” ata ang gustong niyang iparating sa lady guard. Saglit lang ang video pero iba ang impact na dinulot nito sa mga Pinoy netizens.

Tulad ng babaeng tinatawag nila na AMALAYER ako rin minsan ay naiinis at nagsasalita ng hindi maganda kapag galit, sa jeepney driver na binaba ako sa malayong lugar, sa manong na naninigarilyo sa harap ko, sa kaibigan, sa kapatid, sa katrabaho. Kung sana pwede lang ibalik uli lahat ng masasamang naisibi ko noon ito’y gagawin ko, pero hindi, nasabi na at lumabas na ito.

At dahil diyan gusto kong ishare ang mga lessons na napulot ko sa AMALAYER video:

• Karamihan ng mga Pinoy, lalo na sa Metro Manila, ay may celphone na may camera at internet access
Meaning, mag-ingat po tayo sa mga kinikilos natin kapag nasa labas tayo dahil hindi mo alam baka yung katabi mo sa bus ay tinitweet ka na. Kung ang iyong suot, amoy, make-up, hairdo, etc ay pinupuna na sa ineternet paano pa kaya kung may inaway o di kaya’y inaabusong tao? Kaya maging maingat po tayo, extra ingat kapag nagmamadali ka at iritado ka na.

• Respect begets respect
Naranasan kong magtrabaho sa isang bakery bilang isang clerk nung freshman ako. Kumuha ako ng summer job para habang wala akong ginagawa sa bahay ay kumikita ako. Ilang beses na akong nasigawan at tinawag na “bobo” ng mga customers na feeling nila ay sobrang dunong nila sa mundo. Sorry naman at hindi ako kumuha ng anumang Math nung college. Hindi ako kumikibo pero sa loob ko gusto ko nang magwala. Dahil sa experience kong yun natuto akong respetuhin ang mga nagsisilbi sa akin. Tandaan na hindi binibili ang respeto. Kapag nirerespeto mo ang ibang tao rerespetuhin ka rin nito.

• Marunong humingi ng tawad at magpatawad
Para kay lady guard
na sinigawan ng babaeng irate, sana napatawad mo na siya. Pinagtanggol ka naman na ng mga netizens at na gantihan na ang kanyang “meanness.” Maraming salamat sa walang tigil na serbisyo ninyo para protektahan ang mga commuters sa anumang kapahamakan sa LRT.

Para sa mga netizens na nainiis sa babaeng yun, I think natutunan niya na ang kanyang lesson. Mag-move on na tayo, maraming pusang napapabayaan sa internet dahil inaatupag natin masyado ang #AMALAYER. Bilog ang mundo at baka macyber bully rin tayo kaya peace lang mga repapips. Let’s spread love and joy because everyday is Christmas day.🙂

Para sa babaeng binansagan na AMALAYER, nakakalungkot na kailangan mong pagdaanan ang pagcyber bully dahil sa iyong pagbuhos ng sama ng loob kay lady guard. Hindi namin alam ang mga pinagdadaanan mo sa buhay, patawarin mo sana ang aming insensitivity. Ito’y isang life lesson na mabigat pero nangyari na ang nangyari. Sana maging bukas sa iyong loob na patawarin si lady guard na nagtrigger ng inis mo, pati na rin ang taong nag-upload ng video mo sa internet, sa mga netizens na nagcyber bully sa iyo, at higit sa lahat ang iyong sarili. Forgive, learn your lesson, and become a better person.

Lahat naman tayo nagiging biktima ng ating sariling emosyon, ang tanong magpapabiktima ka pa ba?

 

  Current mood: good vibes mga repapips.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s