Preparing for the Battle

Bumalik uli ako sa pagkabata nung nakatanggap ako ng Nerf gun nung Christmas mula sa aking malapit na kaibigan. Kung friends tayo sa facebook malamang napansin ninyo na excited ako sa aking bagong weapon of mass destruction.

Pero higit sa pagkakaroon ng bagong Nerf gun I think nagkaroon din ako ng mission itong dadating na 2013. This coming 2013 I am going to face and defeat my giants.

Dahil nung 2012 winagaway ko ang aking white flag, I surrendered everything. Hindi sa aking kalaban kundi kay God. Though alam ko na God is for us, pero madalas nakikipag-laban ako mag-isa. Hindi ko talaga makuha kung bakit ko ito ginagawa noon at nilalagay sa alanganin ang sarili ko, pero natututo na ako. I surrendered and I acknowledged that I cannot do these battles on my own. I need Him. The battle is not mine to begin with, it is His—kung baga saling kit lang naman ako, so bakit ko sosolohin?

giraffe

I’m right behind you pop.

So this year, 2012, is a year of prepping up­—nag-aral, nakinig kay Jesus, at kumuha ng bagong marching orders galing sa kanya. Ang gagawin ko nalang ay magtiwala sa kanya at sundin ang kanyang marching orders.

Hindi ko sinabing hindi ako mapapagod o kaya’y masusugatan, pero alam ko kung hindi ako gagalaw haharapin ko uli ang mga giants ko sa 2014. And of course I want, at the end of 2013, to wave the banner of victory and enjoy the fruits in the coming yearssssssss.

Kaya abangan ninyo next year masmakulay na adventures ang maikkwento ko.

Manigong bagong taon sa inyong lahat!😀

 

groovy dance  Current mood: Isang tulog nalang new year na!😀

10 thoughts on “Preparing for the Battle

  1. taga saan ka po? i’m interested in nerf guns and naghahanap po ako ng first gun ko, wondering if may nerf war dito sa pinas🙂

    • Hi Larvs! I reside here in Metro Manila. So far wala pa akong alam na may official nerf war sa Philippines. Kami kami lang magkakaibigan ang naglalaro ng nerf kapag may oras. Anong plan mong bilhin na first nerf gun mo?🙂

      • Saan kayo naglalaro? I have no idea hehe. Naaattract ako sa itsura ng Longstrike CS-6 kaso sabi mahina daw yun. Ayun, either yun or Recon CS-6🙂 Cavite City ako nakatira pero I work in Paranaque

        • After office hours naglalaro kami sa . . . office. hehe! Pero I’m trying to convince them na one time maglaro kami sa sunken garden sa UP. Kaso kapag nawala bala mo wala na yun. Hindi ako familiar sa features ng longstrike, yung Recon naman ok rin, kaso mahirap maghanap ng extra bala niya, kasi gamit nun clip bullets. Gamit ko Deploy and Jolt (for backup), and I’m planning to buy another one. Hehe!

  2. ay talaga sa office? saya naman dyan hehe kainggit…
    san ka nabili? naghahanap hanap ako online, yun longstrike yun parang sniper mahaba siya, kaso pag di daw tinanggal yun barrel (yun nga ba tawag dun) mahina ang range nya parang contradicting naman sa sniper role nya.

        • Nice! Masaya rin yung maverick, my colleagues are using it. Masaya siyang ikasa. ^_^ Enjoy your first nerf gun! And also thank you for visiting my blog. Hope to hear from you soon!🙂

          • opo🙂 sorry kung ginawa ko nang chat ang comments section ng blog mo. Hehe. Sana makalaro din sa nerf war. I’ll be a regular visitor of your blog na (which is nice btw)🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s