The Ego has Landed

“Ang ganda mo naman.”

“Ang galing mo!”

“Ang talino naman ng naisip mo!”

Compliments. Masaya silang pakinggan lalo na kung para sa iyo yun. But there is something we should know about compliments—they are intoxicants.

This week nagdecide ako magpower dress. Madami kasing ginagawa ngayon sa opisina kaya naisipan ko na kahit pagod ako at least hindi ako mukhang pagod. I’m expecting a few compliments from my colleagues lalo na yung mga kaclose ko. Pero hindi ko ineexpect ang dagsa ng compliments na matatanggap ko galing sa iba’t ibang tao. Nakakataba ng puso, at nakakalaki ng ulo.

Compliments are intoxicating, and it feels sooooo good. Kaya bentang benta ang social media nakakaboost kasi ito ng ego. Questions like: Ilan na ba ang nag-like sa photo ko? Ilan na ba ang mga notifications na nareceive ko? Ilan na ba ang blog stats ko? How much time do we spend in front of the computer waiting for someone to “like” what we did?

Ang tanong, masama ba na tumanggap ng compliments? Hindi naman. Ilagay sa lugar ang pagtanggap nito. Sabi nga ng boss ko, “Be careful how you receive them [compliments]. Just smell and don’t swallow.”

Another writer, I forgot who, suggests that we bounce the compliment back to the giver.

Example: “Ang galing naman ng naisip mo!” say thank you tapos ibalik mo uli sa kanya by saying something like “But without your initial idea I wouldn’t be able to think about this.” Hindi naman sa bolahin mo yung tao, be sincere din.

Lastly, huwag mong habulin ang compliments. Masnakakataba ito ng puso kesa sa deliberately gumagawa ka ng paraan para mabigyan ka nito. Better not to expect it AT ALL.

The praises of people, as meaningful and as sincere, are still fleeting and shallow. And we do not have to let the whole world know about the nice things we did. Don’t worry, God who sees things done in secret, will reward you. And I’d rather want that than any beautiful compliment from people.

groovy dance  current mood: Sabbath.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s