Why do I write?

Tinanong ko ito sa sarili ko nung isang araw (habang nasa shower). Oo nga naman, bakit ba ako nagbubuhos ng energy, time, at effort sa pagsusulat eh hindi naman ako kumikita ng pera sa pagbblog ko? San ba ito nagsimula? Bakit nga ba ako nagsusulat?

Ang aking mga magulang. Magaling ang nanay ko words; magaling magtahi ng mga salita, at mahilig siya sa crossword puzzles. Kaya niyang humuli ng mga salita na hindi nagagamit sa tamang kahulugan nito. Kaya kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng mga salitang ginagamit mo, English man o Filipino, huwag mo nalang sabihin. Sa kanya ko nakuha magsulat ng maayos.

Ang tatay ko naman ay magaling sa rin words. Nung bata pa kami magkkwento siya ng mga stories bago kami matulog; hindi niya kami binabasahan ng stories, gumagawa siya. Mahilig rin siyang gumawa ng liham para sa amin ni ate tuwing birthdays, valentine’s day, Christmas, etc. He is fluent in both English and Filipino. Sa kanya ko naman nakuha ang pagiging malikhain ko sa words.

Growing up. Bihira ako ma-bore nung bata ako. Kaya kong masurvive ang holy week kahit walang cartoons (wala pa kasing cable TV nung panahon namin). Ang paglalaro namin ng Barbies ng ate ko ay hindi tulad ng laro ng aming mga ka-contemporary na mga bata. Habang ok na sa kanila ang pagsuklay at pagpalit ng damit ng mga Barbies nila sa amin nila ate ay iba—meron kaming story. May plot ang aming paglalaro, may episodes, may title, at may character development. Hindi ko makakalimutan nung pinatay ni ate yung pet goldfish ni Barbie (THE PAIN!!!). Dito nahasa ang aking imagination at paghugot ng emosyon sa storya.

playtime

Tumungtong na kami sa highschool ni ate at huminto na rin ang paglalaro namin, pero hindi dito huminto ang paggawa ko ng mga storya. Dahil mahilig akong magdrawing naisipan kong gumawa ng graphic novel. Every break time sa school o di kaya kapag summer, kaharap ang notebook at ballpen, magddrawing ako at gagawa ng story; tulad ni daddy nung bata pa kami, meron din akong mga storya na nilikha gamit ang imahinasyon. Sayang dalawa nalang yung naligtas kong notebooks, at yung isa ay hindi pa tapos.😦

Naging busy na ako nung college at wala na akong panahon gumawa ng personal projects dahil, sa kursong fine arts, ginto kung makatulog ka ng walong oras. Pero hindi dito huminto ang aking pagsusulat; nakakita ako ng panibagong platform para magtapon ng mga ideas—ang blog.

2006 akong nagsimula magblog at pinagpatuloy ko na ito. Dito ko na binubuhos ang aking creativity at minsang brain farts. Meron akong personal blog, at meron akong art blog.

Sa hinaba-haba ng kinuwento ko hindi ko pa rin nasabi kung bakit nga ba akong nagsusulat? Probably for these reasons:

1)   Na realize ko na masmainam sa akin magsulat nalang kesa magsalita. I can express myself more in written words.

2)   Masaya ako kapag may napapatawa akong mga tao sa mga nasulat ko.

3)   Gusto ko kapag wala na ako sa mundo ang buhay ko ay hindi makakalimutan. Patuloy pa rin ako magpapatawa at magpapa-inspire ng mga tao sa mga nasulat ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsusulat pero hanggang kaya ko pa sulat lang ng sulat.😉

groovy dance  Current mood: enjoying my rest day

2 thoughts on “Why do I write?

  1. I can relate. I used to play with my toys in an episodic format complete with all the twists and turns and cliffhangers and stuff you see on TV.

    I miss writing. I used to write a lot, but am currently too busy. Stuck with daydreaming plot ideas whenever I ride the bus for work.

    Nice post btw.😀

    • Hey! You’re back! Again, welcome to CCA!😀 I saw your new blog that’s a good start. Madami kasi akong kilala na nagsasabi they want to write a blog pero hanggang pangarap lang. At least ikaw nagsimula na.🙂 God bless on the things you want to do! And hope to hear from you soon!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s