The Murderous Drunken Elk and Shifting Blames

May kinuwento sa akin ang aking kapatid na balitang nabasa niya. Meron daw isang babae na nakitang patay sa kakahuyan, Hinala ng mga pulis na pinatay ang babae ng kanyang asawa, dahil sa mga natamo nitong sugat; parang sinagasaan daw ng lawn mower ang babae dahil sobrang lalim ng mga sugat nito halos mapuputol na ang kanyang mga kamay. Pero lumabas ang imbestigasyon na hindi pala asawa niya ang pumatay sa kanya kundi isang elk.

Ang mga elks, in nature, ay mild manner creatures. Kapag meron silang na sense na tao tatakbo kagad ito papalayo; hindi raw karaniwan sa kanila na mangsuwag at pumatay. Pinag-aralan nila ng mabuti kung ano ang nangyari at nagkaganun ang isang mahinahon na elk. Ayun sa pagsusuri, Ang pangunahin na kinakain ng elk doon sa lugar nila ay apples, at kapag winter season ang nakakain nila ay, syempre walang iba kundi, frozen apples. Napagalaman nila na kapag na freeze ang mga apples nagkakaroon ito ng chemical reaction at tumataas ang alcohol content nito. So ang mga mild mannered elks sa winter ay mga drunken elks. (News source BBC: Sweden woman’s ‘murder’ committed by elk not husband)

"Excuse me sir, but do you mind, I'm doing my business here" said the mild mannered elk

“Excuse me maam, but do you mind, I’m doing my business here” said the mild mannered elk.

Nahalintulad ko lang ang sarili ko sa elk na yun; hindi dahil amoy gubat ako at apples lang ang kinakain ko. Kundi dahil minsan meron din akong nagawa na sana pwede kong gawin dahilan ay “Hindi ako aware sa mga kinikilos ko nung panahon na iyon. I was drunk. Sorry.” Pero siyempre, hindi ko yun pwedeng sabihin.

Nakakahiyang man ikwento, may natarayan akong katrabaho sa opisina. Wala siyang kasalanan pero sa kanya ko na buhos ang aking inis.  Sana hindi niya ito binabasa, pero kung oo, sorry talaga bro. I was arrogant and hindi ko dapat ginawa yun sayo.😦 Para sa aking mga mambabasa, don’t worry nag-apologize na ako sa kanya personally.

Nag-iisip ako kung anung dahilan kung bakit ako nagkaganon. Lack of communication sa part nila? Well yes, pero napaka petty na dahilan nun at hindi sila ganun parati. In an ordinary day I can easily brush that off.  Hormones ko ba? At lagi nalang hormones ang nagiging excuse ng mga kababaihan, “Sorry ganun ako kasi meron ata ako this week.” Actually no, hormones have little to do with that kind of attitude. And then na realize ko hindi pala maayos quiet time ko nung araw na yun. Gumising ako that day, kinuha yung Bible, nagbasa, walang nainitindihan sa binasa dahil sa sobrang antok at natulog uli. Pagkagising ko wala akong naalala sa quiet time ko. Flesh vs. Spirit guess who won?

Lesson learned: Focus on God’s Word, don’t just read it meditate on it. Don’t make excuses and shift blames, humble yourself before God and His people. And if you have done something wrong immediately forgive and ask for forgiveness. Learn from your mistakes and move forward.

I hope we can all learn from this. And as for that poor elk, I think he’s serving life in prison. Kidding.

tuzki-bunny-emoticon-021  Current mood: Hoooosah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s