Hey Arnold!

jeon-ji-hyun-01

Hello! I’m the template crushable girl.😉

Hindi ako “crushable.” Sa mga nakakaalam ng term na “crush,” alam ninyo na ang ibig kong sabihin. Growing up madami akong nagiging kaibigan na maganda, minsan naliligawan ako ng isang guy dahil type nila yung kaibigan ko. The user-friendly guys—that’s what I want to call them. Meron kasi akong napapansin na crushable template, lalo na sa mga Filipino men: dapat maputi, chinita, slim, at sabi nga ng isang shampoo commercial ang Pinay beauty ay may “perfectly bagsak hair” (sabi na nga ba hindi ako Pinay).

 

 

So na sanay nalang ako na hindi ako pansinin.

Pero isang araw, may nakapansin. O_O

Tahimik lang ako nagbabasa ng libro sa isang bookstore. Minding my own business, biglang may lumapit na guy; nagtanong siya sa akin at ako naman ay sumagot ng mga one-line answers. Clearly, I am absorbed with what I’m reading. So binalik ko na yung libro na binabasa ko at umalis ng hindi nagpapaalam.

Here’s the interesting part.

Pumila na ako sa sakayan and lo and behold sinundan niya ako! May inabot siya sa akin na note at sabay alis. Binuksan ko yung sulat at ito ang nakalagay dun:

“I think it’s obvious that I find you attractive.” –Arnold and he left me his number.

I was like O_O weh?!

Tatanungin ninyo sa akin kung kinilig ako, oo AND I also find it creepy. Nagtext ba ako sa kanya? Nope. Inipit ko yung note na yun sa libro na dala ko; binasa ng paulit-ulit; tinago uli at kinuwento ko sa ate ko ang nangyari. Thank God for sisters, sabi niya wag ko daw tatawagan at baka may masamang balak yun. No more questions, tinapon ko na yung note na yun after ng conversation with ate.

Kung boyfriend lang ang hanap ko madali lang naman; tawagan ko lang siya, kausapin, makipagdate and BOOM! Instant boyfriend. Pero hindi boyfriend ang kailangan ko.

Lesson: Nakakaflatter man ang buong pangyayari pero na check ko ang aking puso. Kanino ba ako kumukuha ng aking security? Kinukuha ko ba ito sa dami ng aking manliligaw? Kinukuha ko ba ito sa mga papuri ng tao na nagsasabi kung gaano ako kaganda? Paano kung wala kang manliligaw? Paano kung hindi ka mapansin? Edi pangit ka na?

I base my identity and security on what the Bible tells me. I am created in the image and likeness of God; God is beautiful, therefore I am. But because of sin, I became ugly. Then Jesus came to save us; was beaten, flogged, pierced, and marred beyond recognition so that I may be made beautiful and flawless in the eyes of God.

“How beautiful you are, my darling! Oh how beautiful! Your eyes are doves” Song of songs 1:15

Ladies, men cannot fill all your questions about your identity. Instead let God be the Answer to all your questions and your doubts. Find your identity in Him.

tuzki-bunny-emoticon-019  Current mood: Fantastic.

5 thoughts on “Hey Arnold!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s