#NotetoSelf

Sa social media napansin ko na madaming mga passive-aggressive na nilalang. Ang mga passive-aggressive ay isang kaugalian na kung saan nagpapakita sila ng pagtutol sa hindi agresibong paraan; umiiwas sila sa confrontation pero pinapakita nila ang kanila pagkasalungat sa pamamagitan ng procrastination, pagsimangot, o di kaya sa pagpaparinig (na lagi kong nababasa sa social media).

Guilty ako dito kaya ako’y napasulat, gusto ko na ito maalis sa aking sistema. Na realize ko na ang pagbato ng mga salita sa internet ay tulad ng isang taong may baril na tira lang ng tira, at habang bumabaril iniisip na matatamaan niya ang kanyang target; hindi niya napapansin madaming inosenteng tao ang natamaan.

“Eh hindi naman sila ang pinatatamaan ko, bakit ako mag-aalala?” Well, yan din naman ang rason ng baliw na may hawak ng baril, hindi ba? “Bakit? Kasalanan ko bang nakaharang sila sa tatamaan ko?”

Hay . . .

Ang totoo, bawat careless words na nilalabas natin sa ating bibig, o di kaya sa ating pagtype at pagpost sa internet, ay meron taong nasasaktan. Hindi man natin intensyon ito, meron pa rin.

Bago tayo magpost, pag-isipan muna natin ng mabuti ang ating sasabihin; better kung huwag nalang lalo na kung alam natin na masakit na salita ito. AT kung hindi talaga natin kayang pigilan ang ating saloobin at sa tingin natin ay dapat marinig ito nung tao edi kausapin natin ng harap-harapan. Masmainam malaman ito ng tao mismo kesa ng madlang pipol na wala naman kinalaman sa nangyari.

Lastly, bago tayo pumuna sa maling ginagawa ng tao sa atin bakit hindi muna natin suriin ang ating puso. Sabi ni Jesus sa Matthew 7:1-5 (The Message)

“Don’t pick on people, jump on their failures, [and] criticize their faults—unless, of course, you want the same treatment. That critical spirit has a way of boomeranging. It’s easy to see the smudge on your neighbor’s face and be oblivious to the ugly sneer on your own. Do you have the nerve to say, ‘let me wash your face for you,’ when your own face is distorted by contempt? . . . Wipe that ugly sneer off your own face, and you might be fit to offer a washcloth to your neighbor.”

Tandaan, kung ano man ang lumalabas sa atin na mga salita ay nagpapakita lang kung anung klaseng tao tayo. Ang tanong, ano bang laman ng puso natin?

enlightened  Current mood: Hindi gaanong busy. Yey~

4 thoughts on “#NotetoSelf

  1. oo nga bakit kasi ang daming taong judgemental??
    may marinig o mabasa lang na bad about qng kaninuman na husgahan na agad…

  2. hay naku. feeling sakin tong blog na toh nalungkot tuloy aqoh bigla. napaka lawak ng utak mo yanangski. sana ganyan din aq tulad sau. aqoh kc ung taong masabihan lng ng negative ang bilis panghinaan ng loob

    • Nagsisimula yan sa pagiging secure natin sa ating sarili. Ang ibig kong sabihin kung alam mo naman na mali ang paratang nila sayo, keber lang. Huwag silang pansinin ang move on. Lalabas at lalabas sin naman ang katotohanan.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s