Take the lead

I don’t dance. Sure, sure gagawa ako ng konting makukulit na dance steps pero hanggang sayaw bahay lang ako. At sa aming limang magkakapatid sila kuya lang talaga ang nabiyayaan ng kinesthetic intelligence; kaming tatlong babae ay talagang awkward sa dance floor. While my brothers can do break dancing I can just break things dancing.

Kung nabubuhay ako sa panahon nila Jane Austen, saan uso ang mga sayawan, malamang hindi ako nagsurvive nung era nila. Prom night was not my favorite event in high school. First, ayoko magdress-up noon dahil saksakan ako ng insecurities and second, like what I’ve said earlier, ayoko talagang sumayaw. Pero meron naglakas ng loob na lumapit sa akin para sumayaw, at napasayaw niya ako.

King Mongkut: I have never danced with a schoolteacher before.  Anna Leonowens: Nor I with a king.

King Mongkut: I have never danced with a schoolteacher before.
Anna Leonowens: Nor I with a king.

Si Ronald, nagkalilala kami nung second year high school; kasama siya sa HS basketball team. Matangkad (of course), maputi, kulot ang buhok, makisig, matalino, at higit sa lahat mabait. Crush ng bayan nung high school at nirerespeto ng mga kalalakihan ng batch namin. Pwede siyang pumasa sa listahan ko ng mga crush ko pero hindi siya nabibilang doon. Bakit? Dahil pinsan ko siya. Boo yeah~

So balik tayo sa prom night, nakaupo ako sa sulok nagbibilang ng oras para matapos ang gabing iyon. Habang ang mga kasabayan kong promenaders ay nageenjoy sa dance floor, lumapit si insan at inalok akong sumayaw. Inabot niya ang kamay niya sa akin; hindi ako inalok casually (dahil pinsan niya ako), kundi naging pormal siya. Dahil dun kahit gusto ko siyang tawanan sumunod nalang ako. Patungo sa dance floor medyo uneasy ako, but he took the lead. Dahil dun unti-unti nawala ang aking awkwardness at na enjoy ko ang pagsayaw. At dahil sikat siya, at nakita ng ibang guys na sinasayaw niya ako, sinayaw na rin ako ng ibang kalalakihan.

I still don’t like dancing and be seen dancing, pero na enjoy ko yung time na yun dahil may natutunan akong mahalagang lesson—men must take the lead.

Hindi man ako expert padating sa larangan ng “leadership” pero bilang isang babae (at future wife) gusto ko ng isang lalaking may leadership na susundan at pagkakatiwalaan ko. May mga tao siguro na magbabash sa akin about “equality” and whatnots dahil sa blog kong ito, but I really don’t care. You guys can keep your equality reasoning, but as for me, I will obey what the bible says and respect my role as a woman. I am single right now but in the future, if it happens, I will be my husband’s helpmeet (a suitable helper for him). Not his slave, but someone who will encourage and help him in his leadership.

Men I urge you to do your part, because we need leaders who will love us, protect us, and lead us the way Christ loves, protects, and leads His church.

 

160  Current mood: First blog post for men! Yeah!

4 thoughts on “Take the lead

  1. Awwww.. Love ko tong post na toh.. Its puts a different twist in my preview.. Ako kasi its all about equality sa relationship. Patas lahat.. Pero ung sa level ng pag binigyab ka nito dapat meron ka din bibigay, pag ginawan ka nito dapat may gawin ka din.. Im not saying its a bad thing kasi diba give and take nman tlga sa relationship dba? Pero i do agree masarap ung meron na guy na magpagkakatiwalaan at maaasahan mo to lead. Lalo na now a days women are all bout independence.. Pero wag ka.. Halos karamihan ang gusto guy that could lead, because it gets exhausting na ikaw palagi.. So bigay todo and kudos!😉

    • Hi Roxanne!🙂

      Yes, I agree with you, give and take talaga ang pagmamahal; kapag one-way lang nakakapagod. I do hope a lot of men will realize that their role as leaders is really, really, really, really important.

      Thank you for reading my blog. Hope to see you again in my comments page.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s