They call me Mrs. T

18278158_1745922465423157_4481916670375701709_o

The day has come, I am now promoted to Wife! Yey!

New season. New house. New nation. New adventures!

I’m excited to tell more stories with you. ^_^

 

enlightened  Current mood: Excited for new things! Yey!

Advertisements

Pasasalamat

Paumanhin kung medyo huli na ito pero gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumati sa akin nung aking kaarawan. Sa lahat ng . . .

• Bumati sa facebook
• Bumati sa private message
• Bumati sa text
• Bumati in person
• Nagbigay ng regalo
• Gumawa ng photo collage
• Gumawa ng video

Salamat sa effort ng pagbati, sa pagcompose ng message, nag-isip at gumastos sa regalo, nagbigay ng bonggang effort sa picture collage at video. Nakakabless kayo! Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso. Maraming, maraming, maraming salamat!

image

image  Current mood: Supah blessed.

My take on NBA Finals 2013

INTENSE!!!

Kailangan magpigil kasi nasa office. At dahil busy sa work umaasa lang ako sa live tweets. #NBAfinals

Pero kahit na intense pa rin! Congrats Miami Heat! Umpisa palang alam ko nang panalo kayo. *chos!* 😉

At para sa aking brother-in-law, salamat at hinikayat mo akong manood ng game. Best in-law bonding evah!!! 😀

NBA finals

 

YES  Current mood: WAGI!!!

Preparing for the Battle

Bumalik uli ako sa pagkabata nung nakatanggap ako ng Nerf gun nung Christmas mula sa aking malapit na kaibigan. Kung friends tayo sa facebook malamang napansin ninyo na excited ako sa aking bagong weapon of mass destruction.

Pero higit sa pagkakaroon ng bagong Nerf gun I think nagkaroon din ako ng mission itong dadating na 2013. This coming 2013 I am going to face and defeat my giants.

Dahil nung 2012 winagaway ko ang aking white flag, I surrendered everything. Hindi sa aking kalaban kundi kay God. Though alam ko na God is for us, pero madalas nakikipag-laban ako mag-isa. Hindi ko talaga makuha kung bakit ko ito ginagawa noon at nilalagay sa alanganin ang sarili ko, pero natututo na ako. I surrendered and I acknowledged that I cannot do these battles on my own. I need Him. The battle is not mine to begin with, it is His—kung baga saling kit lang naman ako, so bakit ko sosolohin?

giraffe

I’m right behind you pop.

So this year, 2012, is a year of prepping up­—nag-aral, nakinig kay Jesus, at kumuha ng bagong marching orders galing sa kanya. Ang gagawin ko nalang ay magtiwala sa kanya at sundin ang kanyang marching orders.

Hindi ko sinabing hindi ako mapapagod o kaya’y masusugatan, pero alam ko kung hindi ako gagalaw haharapin ko uli ang mga giants ko sa 2014. And of course I want, at the end of 2013, to wave the banner of victory and enjoy the fruits in the coming yearssssssss.

Kaya abangan ninyo next year masmakulay na adventures ang maikkwento ko.

Manigong bagong taon sa inyong lahat! 😀

 

groovy dance  Current mood: Isang tulog nalang new year na! 😀

Twenty-twelve

Hindi ako mahilig gumawa ng year ender report at lalong wala rin akong balak magbalik tanaw sa kung anuman ang nang yari sa akin nung 2012. Pero ang taon na 2012 ay isang life changing year para sa akin, lalo na nung 3rd quarter ng taon. Na kwento ko lang ito sa mga taong ka-close ko, at baka balang araw maikwento ko rin ito sa buong mundo. Sa ngayon ang maishe-share ko lang ay ang mga key verses na babalik-balikan ko kapag sa tingin ko hindi ko na kaya.

2012 key verses:

You’ll be called Hephzibah (My Delight),

and your land Beulah (Married),

Because God delights in you

and your land will be like a wedding celebration.

For as a young man marries his virgin bride,

so your builder marries you,

And as a bridegroom is happy in his bride,

so your God is happy with you. (Isaiah 62:4-5)

and this is my reply

Beloved My lover is mine and I am his (Song of Songs 2:16)

For Jesus alone is the lover of my soul, and like the Shulamite woman I will always be in love with my lover, my bestfriend.

——-

For the Son of Man is going to come in his Father’s glory with his angels, and then he will reward each person according to what he has done. (Matthew 16:27)

Keeping my eyes on Him who gives the reward. Reminding myself to do good works for Him and His delight, not for the praises of men.

——-

And lastly,

17Since my youth, O God, you have taught me,

and to this day I declare your marvelous deeds.

18Even when I am old and gray,

    do not forsake me, O God,

till I declare your power to the next generation,

    your might to all who are to come. (Psalm 71:17-18)

Back when I was younger, till today, and when I grow old, by His grace, I will continue sharing His word to the next generation. I will always rely on His presence.

Hindi natuloy ang end of the world na ineexpect ng mga tao kaya tuloy ang buhay. Taon 2013, handa na akong harapin ka.

 

YES  current mood: Excited!

Kakaibang Agosto: The Water World Experience

Minsan nahihiwagaan din ako sa sarili ko kung bakit tuwing August lagi akong sinisipag magsulat. Ewan ko ba, para akong nabasang palaka sa ulan tuwing Agosto—nag-iingay. Baka nagkakataon lang talaga na madaming nangyayari sa buhay ko tuwing sasapit ang buwan na ito.

And speaking of ulan, meron na naman kakaibang ulan na dumating sa Pilipinas. Actually hindi ito bagyo, isang hanging habagat na nagfifeeling lang na bagyo. Mahigit 24 hours na ulan ng ulan sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon at Visayas. Nagmistulang Water World ang NCR.

Sa Pasig kung saan ako nakatira ngayon ay baha na. Pumasok na rin ang baha sa bahay pero buti nalang na iakyat na namin ang aming mga gamit sa 2nd floor ng bahay, kaya ang aming lutuan, ref, mga kobyertos, at tubig ay nasa ikalawang palapag na. Iba na ang handa. *saludo animo’y girl scout*

Ang baha sa loob ng bahay *bow*

Note: Kasagsagan ng ulan at baha ngayon at wala akong internet pero gusto ko nang isulat ang mga natutunan ko sa experience na ito habang mainit-init pa (at kapag na post ko na ito ibig sabihin bumalik na ako sa normal na buhay)

Mga natutunan ko habang nasa Water World:

1)   Recharge
Electronics – charge ninyo na ang inyong mga rechargeable lamps, phones, touch pads, laptop, at iba pang mga gamit na pwedeng icharge habang may kuryente pa.

Physical – importante rin icharge ang ating katawan sa mga panahon na ganito. Hindi natin alam kung kailangan natin lumusong/lumangoy sa baha. Kumain ng madami, uminom ng tubig, at kung makakapag pahinga magpahinga. Sa mga rescuers na mahigit 24 hours din na tumutulong sa mga nasalanta saludo po ako sa inyong katatatagan.

Spiritual – Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, at napapaligiran ka pa ng tubig baha, unti-unti na rin nauubos ang iyong pagkain at tubig—madaling mawalan ng pag-asa. Kaya kailangan din natin irecharge ang ating spirit. Magdasal, magbasa ng bible, at huwag mawalan ng pag-asa.

2)   Don’t Panic and be informed
Sa panahon ngayon it pays to be informed. Kapag alam mo kung ano ang iyong gagawin masmababawasan ang panic. Logic lang. Be prepared, anticipate for the worse. Pero wag naman OA, wala kang matutulong kung paranoid ka.

Lastly, ito na malamang ang pinaka-take home ko,

3)   The Filipino spirit is water proof
Nakakalunos man ang mga pangyayari ngayon pero kapansin-pansin hindi pa rin mawawala ang ngiti sa mukha ng aking mga kakabayang Pilipino. Kapag pinapakita sila sa TV o meron kukuha ng litrato ng mga nangyari may makikitang kang Pinoy na nakangiti. Hindi naman kami sadista at natutuwa kami sa mga nagaganap, pero ganun lang talaga—masiyahin lang talaga ang mga Pinoy.

Kapansin-pansin din ang bayanihan na ipinapakita ng mga Pinoy—mga volunteers at hired rescuers na handang lumusong sa baha, lumangoy at magpabasa sa ulan para lang tumulong sa kapwa. Nagpapasalamat ako sa Victory na naghatid ng relief goods sa bahay. Kahit hindi kami tumawag para humingi ng tulong pumunta pa rin sila.

Sa mga nasalanta ng habagat sana hindi kayo mawalan ng pag-asa, lilipas din ang unos na ito. Sa mga rescuers hindi po unlimited ang inyong lakas, kailangan ninyo rin po magpahinga. Sa mga kapwa Pilipino na hindi na apektohan ng salantang ito, ipagpatuloy pa rin po natin ang bayanihan.

At sana matapos ang lahat ng ito sana matutunan natin ang ating leksyon na alagaan natin ang ating kapaligiran. Hindi lang dapat ang gobyerno ang kikilos kundi tayong lahat.

 

  Current mood: rainy day . . . meh!