More Coffee Cup Adventures

Ahhhh . . . new year and every time I write at the beginning of the year it is mostly a look back of what happened in the previous year and/or write something hopeful for the new year. Today it’ll be different, actually I never thought there would come a day that I would write this. For years since I started this blog I’ve written a lot of entries about being single (like this, this, and this. That made my blog slightly famous by the way), I bet now you’ve guessed what I am about to write. This, I believe, is the best time to announce that I’ve met him, the person I call in my blog “my future husband.”

Woohoo! *throws confetti*

Processed with Snapseed.

Actually, I said “of course”

I’ve met Fosty June of 2014 during our MPD training. I was seated right next to him, a quiet guy from Macau. I thought he was a local so I started asking him questions about Macau only to find out that he’s Filipino (lels~) who works there and decided to do ministry work and plant churches. A young guy in his twenties deciding to do what God has called him to do, interesting right? After that five days training we parted ways, he flew back to Macau and I stayed in the Philippines. We never saw each other for six months, never even communicated with him. And why would I? For me we were just seat mates. But I didn’t know that during that time he was already praying for me.

To those who know me personally you already know my love story. It’s beautiful how God orchestrated every detail of our lives to bring us closer together. I’d probably write portion of it here every now and then, but for now I just want everybody to know that I am so looking forward to tie the knot with him this 2017.

I’ve been praying for him, I’ve waited for him, and prepared for him. God molded my heart and disciplined me not to make my future husband my idol/god, I thought I would never meet him because of that season of pruning. I trusted God’s plan for me. Yielded to His love. So now I am engaged, and I am in love with my fiancé, but Jesus will always be the lover of my soul. In this process of trusting God I’ve really learned (and this lesson is continually being engraved in my heart) that being a wife or a mother in the future will not make me whole and complete as a person. Only in Jesus will I be truly complete.

I’m excited to write new adventures, new lessons in this new season in life with Fosty. 🙂

YES  current mood: Hopeful. This is it, pansit!

Advertisements

Why I Won’t Marry A Tennis Player

Isang random na usapan tungkol sa idea na ano kaya kung makapangasawa ako ng tennis player. Ang process of elimination na ito ay napag-usapan namin nila tita Sonny—a friend and a colleague, witty and straight to the point. Also, with my two best buddies Chique and Rhia (I just love them to bits). Ang usapan ay naganap sa cafeteria:

Me: Ano kaya kung makapangasawa ako ng tennis player?

Tita Sonny: What about?

Me: I don’t know how to play tennis!

Rhia: Tennis players usually marry a fellow tennis player or a model.

Chique: Ana got the 50% covered. LOL!

Me: But it’s just sad I won’t be able to enjoy his passion. 😦

Tita Sonny: Your problem is easy. Don’t marry one!

Me: LOL! Good point!

Moral of the story: Kapag madedecide na kung sinong pakakasalan mo, don’t decide on your own. Ask your family, trusted friends, and mentors. Also, pray about it and don’t rush.

This is just a random post. Very random.

image  Current mood: Randomness delight

Unicorns and Pregnant Kisses

Nung bata ako naniniwala ako sa unicorns. Salamat sa Lisa Frank art works, sa My Little Pony and Friends, at sa pelikulang The Last Unicorn na pinaniwala ang aking murang isipan na totoo ang mga ito. Pero nung nalaman ko na hindi pala totoo ang mga unicorns hindi naman ako masyadong nalungkot, hindi ako nagluksa o kung anuman. Keri lang at patuloy pa rin ang buhay.

Pero, at isang malaking PERO, nung nalaman ko na hindi totoong nanganganak ang mga Kisses nagguho ang mga pangarap kong makabuo ng isang masayang Kisses family. Para sa mga “infant child” na hindi alam kung ano ang Kisses (dahil hindi ninyo na ito naabutan) ang Kisses ay mga maliliit na air freshener na nilalagay namin sa aming mga pencil case, school bag, at bulsa. Makukulay at Mabango ito at kasing liit lang ng butil ng Japanese rice kaya hinay hinay lang sa pagsinghot para hindi ito pumasok sa inyong ilong. Binebenta ito ng pakepakete na may laman na ilang gramong magagandang kulay na Kisses. Naging sikat ito nung 90’s at tulad ng aking nabanggit lalo itong sumikat nung meron daw nakadiskubre na pwede itong manganak. Pesteng urban legend na yan!

Okay lang sa akin na hindi totoo si Santa Clause at mga unicorns, pero sabihin na nanganganak ang mga Kisses???!!! Bakit ninyo niloko ang mga inosenteng bata na tulad ko??? Umasa ako!!! Meron na akong mga pangarap para sa baby Kisses na mabi-breed ko!!!

Hinga . . . hinga . . .

Anyway, nakapag-move on na ako. Sa mga classmate ko na nagsabi na nanganak Kisses nila at nagbigay pa ng mga advice, I forgive you.

 

  current mood: Holiday mode!!!

dahil hindi ako namumura… (lessons in life)

madami ka din natututunan kapag galit ka, kapag iniisip mo muna ang iyong gagawin bago ka sumabog, kapag bibigyan mo ang sarili mo ng “panahon” para lumiit ang butas ng inyong ilong.

hinga anatotski… tao din sya tulad mo – pumapalpak ang utak.

ito ang mga natutunan ko sa proseso ng pagiging (ahem) asar.

1) asarin mo ako mababatukan kita. inisin mo pa ako gigripuhan* kitaaaa!!!

nalaman kong hindi ko yun kaya sa totoong buhay. sa imahinasyon ko oo at sa drawing pwede. bakit? malay ko, so far nagawa ko palang na marahas kapag galit ay magbali ng lapis (isang lapis nabali ko into 6 pcs). pfft! kala mo naman mala hulk ang lakas…

pero baka magawa ko nga sa totoong buhay ang manggripo ng tao… who knows? gusto mo subukan?

2) hindi ka pasasayahin ng mundo at ng mga tao sa paligid mo

alam ko na ito dati pa. nabibigyan diin lang. palagi. sa iba’t ibang panahon at pagkakataon.

3) nalalaman mo kung mature ka o hindi pagkatapos mong magalit.

hahahahahaha… haha… hay… yun lang masasabi ko… next!

4) hindi ako mabait.

i’m still a work in progress. buti nalang at may grace.

nashare ko itong munting topic na ito tungkol sa anger management dahil madami tayong mapupulot na aral, hindi man sa blog na ito kundi sa ating personal na buhay. iba ibang reaction natin kapag nagagalit, meron taong na masmabait at meron masmabangis. pero kung anuman yun, sana mula sa matinding galit na iyon maslalo tayong maging mature.

lumaki na tayo mga dudes, tama na ang tantrums hindi na tayo bata.

 

*gripuhan – (pandiwa) galing sa salitang ugat na gripo. ito ay ang pagdaloy ng dugo na animoy gripong bukas. matatamo lang ito ng taong matindi ang sugat (saksak) sa katawan.

 

 


really-tiredcurrent mood: feeling ewan.

Alto’s Lament

akala ko ako lang ang may feeling na ganito. hindi pala ako nag-iisa. masaya naman akong alto at hindi ko aaminin na naiingit ako sa 1st and 2nd violins… nope hindi ko aaminin yun…

moving on…

enjoy this short presentation by natalie weiss (wag nalang pansinin yung intro). at para sa lahat ng alto… walang kwenta melody kapag wala tayo. but then again maswalang kwenta ang alto kapag walang melody. nyahahaha! ahem…

current mood: still tired but atleast i’m a bit happy.