They call me Mrs. T

18278158_1745922465423157_4481916670375701709_o

The day has come, I am now promoted to Wife! Yey!

New season. New house. New nation. New adventures!

I’m excited to tell more stories with you. ^_^

 

enlightened  Current mood: Excited for new things! Yey!

Advertisements

Kakaibang Agosto: The Water World Experience

Minsan nahihiwagaan din ako sa sarili ko kung bakit tuwing August lagi akong sinisipag magsulat. Ewan ko ba, para akong nabasang palaka sa ulan tuwing Agosto—nag-iingay. Baka nagkakataon lang talaga na madaming nangyayari sa buhay ko tuwing sasapit ang buwan na ito.

And speaking of ulan, meron na naman kakaibang ulan na dumating sa Pilipinas. Actually hindi ito bagyo, isang hanging habagat na nagfifeeling lang na bagyo. Mahigit 24 hours na ulan ng ulan sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon at Visayas. Nagmistulang Water World ang NCR.

Sa Pasig kung saan ako nakatira ngayon ay baha na. Pumasok na rin ang baha sa bahay pero buti nalang na iakyat na namin ang aming mga gamit sa 2nd floor ng bahay, kaya ang aming lutuan, ref, mga kobyertos, at tubig ay nasa ikalawang palapag na. Iba na ang handa. *saludo animo’y girl scout*

Ang baha sa loob ng bahay *bow*

Note: Kasagsagan ng ulan at baha ngayon at wala akong internet pero gusto ko nang isulat ang mga natutunan ko sa experience na ito habang mainit-init pa (at kapag na post ko na ito ibig sabihin bumalik na ako sa normal na buhay)

Mga natutunan ko habang nasa Water World:

1)   Recharge
Electronics – charge ninyo na ang inyong mga rechargeable lamps, phones, touch pads, laptop, at iba pang mga gamit na pwedeng icharge habang may kuryente pa.

Physical – importante rin icharge ang ating katawan sa mga panahon na ganito. Hindi natin alam kung kailangan natin lumusong/lumangoy sa baha. Kumain ng madami, uminom ng tubig, at kung makakapag pahinga magpahinga. Sa mga rescuers na mahigit 24 hours din na tumutulong sa mga nasalanta saludo po ako sa inyong katatatagan.

Spiritual – Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, at napapaligiran ka pa ng tubig baha, unti-unti na rin nauubos ang iyong pagkain at tubig—madaling mawalan ng pag-asa. Kaya kailangan din natin irecharge ang ating spirit. Magdasal, magbasa ng bible, at huwag mawalan ng pag-asa.

2)   Don’t Panic and be informed
Sa panahon ngayon it pays to be informed. Kapag alam mo kung ano ang iyong gagawin masmababawasan ang panic. Logic lang. Be prepared, anticipate for the worse. Pero wag naman OA, wala kang matutulong kung paranoid ka.

Lastly, ito na malamang ang pinaka-take home ko,

3)   The Filipino spirit is water proof
Nakakalunos man ang mga pangyayari ngayon pero kapansin-pansin hindi pa rin mawawala ang ngiti sa mukha ng aking mga kakabayang Pilipino. Kapag pinapakita sila sa TV o meron kukuha ng litrato ng mga nangyari may makikitang kang Pinoy na nakangiti. Hindi naman kami sadista at natutuwa kami sa mga nagaganap, pero ganun lang talaga—masiyahin lang talaga ang mga Pinoy.

Kapansin-pansin din ang bayanihan na ipinapakita ng mga Pinoy—mga volunteers at hired rescuers na handang lumusong sa baha, lumangoy at magpabasa sa ulan para lang tumulong sa kapwa. Nagpapasalamat ako sa Victory na naghatid ng relief goods sa bahay. Kahit hindi kami tumawag para humingi ng tulong pumunta pa rin sila.

Sa mga nasalanta ng habagat sana hindi kayo mawalan ng pag-asa, lilipas din ang unos na ito. Sa mga rescuers hindi po unlimited ang inyong lakas, kailangan ninyo rin po magpahinga. Sa mga kapwa Pilipino na hindi na apektohan ng salantang ito, ipagpatuloy pa rin po natin ang bayanihan.

At sana matapos ang lahat ng ito sana matutunan natin ang ating leksyon na alagaan natin ang ating kapaligiran. Hindi lang dapat ang gobyerno ang kikilos kundi tayong lahat.

 

  Current mood: rainy day . . . meh!

New look!

After 2 years nagbago din sa wakas ng design ang Coffee Cup Adventures. Medyo matagal tagal kong siyang pinagnulay-nulayan, kasi pinag-iisipan ko kung papalitan ko yung nakagisnan nating Coffee Cup Girl. I decided to change. Bagong approach din since gumamit ako ng photo na may kasamang vector art.

Sa totoo lang mamimiss ko yung dating banner. Kaya para hindi ko mamiss ipopost ko lang dito yung dati kong layout (and just in case mawala ko yung file).

Old banner with my old WordPress theme "Tarski"

Anong tingin niyo sa bagong design ng Coffee Cup Adventures? Please let me know. Salamat! 🙂

 

Tuzki Bunny Emoticon current mood: WAGI!!!

Magbebenta nalang ako ng lobo sa Luneta

Gitna na ng Octubre at ito palang na post ko para sa buwan na ito. Gusto ko lang ipaalam sa lahat na hindi ko intensyon na pabayaan ang Coffee Cup Adventures, nagkataon na nasira lang ang hard drive ng aking laptop kaya hindi kagad ako makapag-update ng posts ko . . . uhm, yun lang naman. Nakakalungkot lang at wala pa akong kaperahan para ipagawa ito. Pero kung gusto niyong magdonate para mapaayos ang aking hard drive at makapagblog na ako why not! Hindi ko kayo pipigilan. 🙂

In the meantime mag-aaral muna ako ng prepositions mula sa aking paboritong sesame street character na si Grover.

Roll betamax!!!

 

current mood: DORBAH!!!

Mga Pasasalamat

Magtatatlong taon na pala ang Coffee Cup Adventures at sa mahigit dalawang taon ng pagsusulat ko dito madami nang naging milestones ang blog na ito. Hindi ko inaakalang madami magbabasa ng posts ko dito. Dahil tagalog akong magpost, hindi ko na inaasam na makarating ang aking blog sa kabilang dako ng mundo, nakalimutan ko na madami nga palang Pilipino sa ibang bansa kaya nakakarating ito sa malayong lugar. Sa lahat ng mga Pilipino na nasa ibang bansa na nagbabasa nito maraming salamat sa pagbigay ng oras sa pagbasa ng mga posts ko. 🙂

Kamakailan din lang na may nag-review ng aking blog. Nagkataon na nakita niya ang Coffee Cup Adventures sa TopBlogs.com.ph at sinulatan ako ng review. Maraming salamat sa review, nakatulong ito para mag-improve pa ako at natuwa akong malaman na meron akong napapasayang mga tao sa aking mga sinulat. 🙂

Sa mga dayuhan na nagbabasa ng blogs ko kahit hindi ninyo ito maintindihan, maraming salamat! Sana nga lang ayusin ng google ang kanilang translation noh, para magkaintindihan tayo ng maigi. Tsk!

Sa mga kaibigan ko at mga hindi ko kakilala na naglagay ng Coffee Cup Adventures sa kanilang blogroll marami rin salamat. Madami akong napupulot na aral at inspirasyon sa inyong mga blogs.

Sa mga taong nagcocomment sa aking mga posts, gusto kong ipaalam sa inyo na ito ang nagbibigay sa akin ng energy para magsulat ng magsulat. Comment driven blogger ako. Kumpera sa blog stats masnatutuwa ako kapag may nagcocomment sa posts ko. Sadyang mahilig lang ako sa interaction. 🙂

Sa mga mambabasa ng blog na ito gusto ko lang ishare ang isang good news sa inyo, last week umabot ng mahigit 6,000 ang unique hits ng Coffee Cup Adventures, alam kong konti palang ito kumpera sa ibang mga sikat na bloggers pero para sa akin isa itong milestone bilang isang manunulat. Sana patuloy pang pumayagpag ang blog na ito at sana madami pa akong taong mapasaya sa mga nasusulat ko.

Maraming maraming salamat! Sana hindi kayo mag-sawang bumisita sa Coffee Cup Adventures. 🙂

current mood: inaalalang libre ang mangarap