They call me Mrs. T

18278158_1745922465423157_4481916670375701709_o

The day has come, I am now promoted to Wife! Yey!

New season. New house. New nation. New adventures!

I’m excited to tell more stories with you. ^_^

 

enlightened  Current mood: Excited for new things! Yey!

Advertisements

Kakaibang Agosto: The Water World Experience

Minsan nahihiwagaan din ako sa sarili ko kung bakit tuwing August lagi akong sinisipag magsulat. Ewan ko ba, para akong nabasang palaka sa ulan tuwing Agosto—nag-iingay. Baka nagkakataon lang talaga na madaming nangyayari sa buhay ko tuwing sasapit ang buwan na ito.

And speaking of ulan, meron na naman kakaibang ulan na dumating sa Pilipinas. Actually hindi ito bagyo, isang hanging habagat na nagfifeeling lang na bagyo. Mahigit 24 hours na ulan ng ulan sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon at Visayas. Nagmistulang Water World ang NCR.

Sa Pasig kung saan ako nakatira ngayon ay baha na. Pumasok na rin ang baha sa bahay pero buti nalang na iakyat na namin ang aming mga gamit sa 2nd floor ng bahay, kaya ang aming lutuan, ref, mga kobyertos, at tubig ay nasa ikalawang palapag na. Iba na ang handa. *saludo animo’y girl scout*

Ang baha sa loob ng bahay *bow*

Note: Kasagsagan ng ulan at baha ngayon at wala akong internet pero gusto ko nang isulat ang mga natutunan ko sa experience na ito habang mainit-init pa (at kapag na post ko na ito ibig sabihin bumalik na ako sa normal na buhay)

Mga natutunan ko habang nasa Water World:

1)   Recharge
Electronics – charge ninyo na ang inyong mga rechargeable lamps, phones, touch pads, laptop, at iba pang mga gamit na pwedeng icharge habang may kuryente pa.

Physical – importante rin icharge ang ating katawan sa mga panahon na ganito. Hindi natin alam kung kailangan natin lumusong/lumangoy sa baha. Kumain ng madami, uminom ng tubig, at kung makakapag pahinga magpahinga. Sa mga rescuers na mahigit 24 hours din na tumutulong sa mga nasalanta saludo po ako sa inyong katatatagan.

Spiritual – Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, at napapaligiran ka pa ng tubig baha, unti-unti na rin nauubos ang iyong pagkain at tubig—madaling mawalan ng pag-asa. Kaya kailangan din natin irecharge ang ating spirit. Magdasal, magbasa ng bible, at huwag mawalan ng pag-asa.

2)   Don’t Panic and be informed
Sa panahon ngayon it pays to be informed. Kapag alam mo kung ano ang iyong gagawin masmababawasan ang panic. Logic lang. Be prepared, anticipate for the worse. Pero wag naman OA, wala kang matutulong kung paranoid ka.

Lastly, ito na malamang ang pinaka-take home ko,

3)   The Filipino spirit is water proof
Nakakalunos man ang mga pangyayari ngayon pero kapansin-pansin hindi pa rin mawawala ang ngiti sa mukha ng aking mga kakabayang Pilipino. Kapag pinapakita sila sa TV o meron kukuha ng litrato ng mga nangyari may makikitang kang Pinoy na nakangiti. Hindi naman kami sadista at natutuwa kami sa mga nagaganap, pero ganun lang talaga—masiyahin lang talaga ang mga Pinoy.

Kapansin-pansin din ang bayanihan na ipinapakita ng mga Pinoy—mga volunteers at hired rescuers na handang lumusong sa baha, lumangoy at magpabasa sa ulan para lang tumulong sa kapwa. Nagpapasalamat ako sa Victory na naghatid ng relief goods sa bahay. Kahit hindi kami tumawag para humingi ng tulong pumunta pa rin sila.

Sa mga nasalanta ng habagat sana hindi kayo mawalan ng pag-asa, lilipas din ang unos na ito. Sa mga rescuers hindi po unlimited ang inyong lakas, kailangan ninyo rin po magpahinga. Sa mga kapwa Pilipino na hindi na apektohan ng salantang ito, ipagpatuloy pa rin po natin ang bayanihan.

At sana matapos ang lahat ng ito sana matutunan natin ang ating leksyon na alagaan natin ang ating kapaligiran. Hindi lang dapat ang gobyerno ang kikilos kundi tayong lahat.

 

  Current mood: rainy day . . . meh!

isang huma-hi-tech na linggo

Isang Technicolor, high-tech week ang naganap sa buhay ko ngayon. Stressful? Not really. Colorful? Yes!

Nakaschedule ako for an interview para sa aking US visa kahapon (March 5).  Pero bago ang interview kailangan ko muna ayusin ang aking mga papeles at iba pang etceteras na kailangan. Mga araw bago mag-interview naalala ko na sobrang kinakabahan ako. It doesn’t feel good. Ayoko ng feeling na kinakabahan. Kinakabahan din ako sa nalalapit na concert (more on that later). This week feeling ko ang dami kong thrills and excitement at hindi ko na ma-take!

Mga bagay na tumatakbo saisip ko: Paano na kung hindi ako maapprove? Paano kung magkamali ako sa tutugtugin ko. Paano kung may nakalimutan ako? Paano na kung magkalat ako at hindi ko na alam kung san ako pupulutin? Paano na????

Panic.

Anxiety.

LBM. (kidding)

Actually ilang araw na rin akong halos walang ganang kumain. Nung Sunday nag-date kami ni mom, treat ko sya sa isang buffet. Bad trips! Wala akong ganang kumain at luging lugi ako! >_< Sabi ni ate vane wrong timing ang appetite ko. Gusto kong maiyak, pero bakit naman ako iiyak diba? Pero yun nararamdaman ko. Labo! Buti nalang nakita ko si Bb. Gandang Hari. Hahahaha! Naaliw ako. Para sa akin hindi ko sya makitang babae nakikita ko pa rin ang kanyang pagiging lalaki. Hay sayang, ang gwapo pa naman nya. Niloloko ako ni ate at binasagan nya na akong Bb. Gandang Ana nung araw na yun. Naaliw naman ako at natuwa nung Sunday.

Dumating ang Monday na carry over ang disappointment from Saturday’s practice, hanggan Tuesday pero nung Wednesday night, sabi ko, “bakit ko ba kailangan magpanic?” bakit ko kailangan mawalan ng gana kumain?  Yayaman ba ako kapag nag-alala ako? Tataba ba ako? Op cors nat!

Sa mga ganitong situwasyon isa lang ginagawa ko—ako ay nagdadasal. Walang joke ‘to, alam ko na hindi ko na kaya ang pressure. Kapag ang mga pangyayari sa aking buhay ay wala na sa aking kamay, kapag ang tanging gagawin ko nalang ay magtiwala sa Diyos, at ang katangi-tanging pwede ko nalang gawin ay magdasal. Hindi na ako nagdasal ng mahaba, sabi ko nalang “Lord (bugtong hininga) ikaw na ang bahala . . . (isang malalim na bugtong hininga uli). Pagkatapos nun gumaan ang aking pakiramdam. Nabunutan ako ng malaking tinik. Siguro yun lang ang inaantay ni God, ibigay ang mga concerns ko at hayaan ko lang Syang kumilos.

Tapos na ang interview. Sa susunod na post ko na ikkwento yun dahil isa yung mahabang salaysayin. Sa sabado (March 7) na ang aming concert/recital na pinamagatang “Songs of fire, songs of light” na gaganapin sa PhilAmlife theater ng 6:00 PM.

Excited na ako! Isa na naman itong Technicolor, high-tech experience na tatalo sa Eheads concert na sasabay din sa concert namin! HA!

 

 

groovy-dance1  current mood: excited! oh yeah!

on graphika manila ’08

 

First time kong umattend ng Graphika Manila (GM) nung September 20, 2008, so wala akong point of comparison. So I’ll just tell you guys my experience as it is. Libre pala ang pag-attend ko sa convention na ito dahil pinadala kami ng aming office (with food allowance. Shocks I love my job!).


si kim (ka-opisina) at si juday. close sila.

 

ako at si juday.

 

So unahin muna natin yung mga chaka moments. Hehe! Naranasan mo na bang matawag at ma-assign sa isang trabaho na alam mong di ka naman magaling dun. Tulad ng pag-host? Well, yun ata yung nangyari dun sa dalawang host.

 

Mga naisip ng manunulat na nangyari sa backstage: (take note kathang isip lang ito)

 

Events organizer: hala! Magsisimula na dapat tayo kanina pang 30 minutes!!! Nasan na ang mga host??? Oy! Kayo! Marunong naman kayo mag-english kunin nyo na yung mic at magsimula na tayo!!!

 

(ang mga sumusunod ay nangyari na sa totoong buhay)

 

Girl host: hi everybody! Welcome to Graphika Manila!!! *with her high pitch perky voice*

 

(walang reaction sa audience)

 

Girl host: I can’t see the people. How are you guys?

 

(may konting sumigaw para naman di sya mapahiya)

 

Mukhang bangag na guy host: welcome guys! (walang energy at parang lasing)

 

Girl host: lagyan mo naman ng energy!

 

Guy host: yah . . .

 

Hmmkay. . .

 

sayang medyo blurry pictures ni host girl at mukhang bangag host guy

 

Skip sa boring at chaka parts. Opening remarks yadah, yadah. . . (so far yun lang naman. Late nagstart at kainis talaga yung mga host at nagkaroon ng technical problems, nagmura ang isang speaker sa stage. Yun lang.)

 

Nagsalita na si kuya Robert Alejandro. Nagpakita ng kanyang astig na portfolio at nag-iwan ng isang magandang mensahe. Sabi nya na ang mga graphic artist ay higit pa sa mga talentadong tao, kami/tayo daw ay pwedeng magbago ng pag-iisip ng mga audience. Magbigay ng kahulugan sa buhay at magbigay boses sa mga walang boses. (paraphrase ko nalang sinabi nya pero mukhang masgusto ko version ko. joke lang). astig si Robert napaka-humble nya kahit napaka galing nya.

Art is indeed cool! 😀

 

Sumunod naman si Kristophe Vergne isang Pixar Animator. Grabe ang ganda ng accent nyaaaaaa! *Ahem* he’s a French guy by the way. He talked about the process on how Pixar creates their timeless stories and animations. ang secret daw ay nasa acting, paano nabubuhay ang character. Isipin nyo kung paano nila ginawang cute ang isang batalyon na sewer rats. Paano magiging realistic si remy pero di kadiri. In between realistic and fantastic dapat. He even showed the process on how they made remy cook–cooking like a human being but not too human like, people must still perceive remy as a RAT.

Basta astig. Mag-aaply pa rin ako sa Pixar someday. Yes I am still preparing my demo reel.

Kristophe Vergne on “Ratatouille animation” astig talaga ng pixar!

 

Tinatamad na ako magkwento pakita ko nalang mga pictures.

Next speaker: collision theory. Astig si AJ dimarucot!!! Well astig din naman si caliph8, pero mas-astig pa rin si AJ. Nainspire ako sa work nya! Go AJ! Iboboto ko yung “Black hole sun” mo!!!

Collision theory: AJ and caliph8

LOL cats revenge!

 

mga ibang works ni pareng AJ Dimarucot

 

mga artworks naman ni kaibigang caliph8

 

Pagkatapos nun, nagsalita si Tim Yap, nagkaroon ng technical problem, so sabi nya libre nya nalang inuman sa Embassy. So natuwa si bangag host guy at madalas nya itong sinabi hanggang sa matapos ang talk.

 

Moving on (bago ako mainis). Nagsalita ang Acid House! Isang astiging “Philippine-based team of artists that conceptualizes, produces, designs, directs and animates various concoctions of motion design, live action, 2D and 3D animation. The studio funnels into their work a wide range of applicable styles, from illustration-based animations and vector motion graphics to straight-up live shoot video, glossy 3D formations and full-3D rendered scenes.” (copy-pasted from the website, tinatamad na talaga ako magkwento). Basta astig yung portfolio nila. Favorite ko yung “just tiis league” hehe! nagpapakita ng limang ordinaryong tao–from balut vendor to labandera. Di ko lang alam kung san to ginamit.

ang Acid house: panalo mga concepts nila!

 

And last ang sikat na si Simone Legno. Actually dun ko lang sya nakilala. Sya pala ang gumawa ng tokidoki merchandise. Galing! Meron na pala ako nun di ko lang alam. Pinagkakaguluhan sya ng mga Filipina kasi nga Italian tapos magaling na artist at may vision. Sorry nalang sya pero type ko talag yung pixar animator. Pero panalo works mo simone! Galing mo at sana mabasa mo itong blog ko. sana rin maintidihan mo. *kindat*

tokidoki: mga art works ni simone

 

Kwento ko pa ba yung after party sa embassy club? Pfft! Hay naku! Walang kwenta! Pumunta lang naman ako dun para sa tokidoki toy exhibit. O sige natuwa ako sa mga toys. Tapos yun lang konting sip sa vokang may sprite tapos nahilo ng konti, di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. . .

JOKE! Umuwi na ako. Tinignan uli ang GM kit na natanggap ko. picture picture para sa blog at nakitang may free t-shirt voucher pala ako na di ko naclaim. Hay. . .

So natuwa ako at naispire after nun. Gusto ko nang magdesign at ayusin din ang aking portfolio. Aalisin ko na din pala yung libreng stuff sa website ko kasi baka nakawin ang aking ideas. Sorry dudes I have to protect myself. O sya mahaba na to.

 

 

 

 

  current mood: natuwa sa nangyari.