Nagbabalik si Inday!

4 years old: Iniiwan na ako nila mommy mag-isa sa bahay. Wala kaming helper/yaya. Natuto akong kumain mag-isa at aliwin ang sarili.

Bago ako pumasok sa paaralan: Tinuruan akong magpunas ng ibabaw. Alam ni mommy kapag hindi ako nagpunas ng ibabaw, at kapag nahuli niya ako sasabihin niya “pwede ka na magtanim ng kamote sa kapal ng alikabok.” Napagtanto ko na sa kanya ko namana ang aking creativity sa paggamit ng tayutay (figures of speech).

Grade 1: Inatasan akong maghugas ng pinggan sa breakfast. Si ate sa lunch at si kuya sa dinner. Bawal kaming manood ng TV o kaya maglaro kapag hindi pa hugas ang mga pinggan. ANG LUPIT MO MUNDO!

Grade 3: Dumadami na ang aking household chores. Isa na rito ang pagtiklop ng damit at pagplantsa ng sariling uniform. Hindi maayos damitan ko noong bata pa ako at kung hindi kami mamamalantsa papasok kami sa school na lukot ang aming damit.

Grade 5 hanggang highschool: Household management naman ang aming lesson. Maglinis ng buong kabahayan, magluto, at maglaba. Alam dapat namin magschedule ng aming chores para hindi ma-compromise ang aming pag-aaral.

College: Kailangan na namin kumuha ng helper. Hindi na namin kaya mamaintain ang bahay dahil erratic na ang schedule namin. Nagkaroon na kami ng helper at tumaas na ang grades ko sa school.

Kung idedetalye ko ang lahat mabobore lang kayo at mapapagod sa ikkwento ko. Wala na naman kaming helper ngayon, at erratic pa rin schedule namin lalo na ngayon na ako na ang nagttrabaho at si mommy naman ang nag-aaral. Naisulat ko ito dahil muli kong binabalikan ang mga natutunan ko nung bata pa ako pagdating sa household management. Akala ko nakalimutan ko na, hindi pa pala. And por dat nakapag-isip ako ng dalawang benefits ng isang indibidwal na natuto ng chores ng bata palang:

  1. Natuto maging responsible.
  2. Alam kung paano maging maparaan.

Ngayon meron mga nag-aaply sa amin masasabi ko na mahirap palang maging HR. Hindi pwede ang pwede na, hindi pwede ang substandard na performance. Sa pagbabalik tanaw sa mga natutunan ko noon at sa sitwasyon namin ngayon nagpapasalamat ako sa mga training na natutunan ko, pero naisip ko na madami pa pala akong dapat matutunan. Hindi pa ako expert.

Pagkatapos kong ipost ito isasarado ko na ang aking computer at aayusin ko pa kwarto ko. Humanda kayo alikabok! NAGBABALIK SI INDAY!!!

current mood: Kapoy bai.

Ang buhay ay parang telenobela

Buong akala ko ang aking Dream guy ay hanggang dreams lang. Laking gulat ko nung nakilala ko nga siya sa totoong buhay! *LE GASP!* at bago kayo magsabing “yihee!” basahin niyo muna ito.

Halos lahat na ata ng katangian na hinahanap ko sa isang lalaki ay napakyaw niya na, nagtira lang siya ng isa’t kalahati. May takot sa Diyos, mabait, gwapo, makisig, matalino, at nakakaaliw kausap. Hindi ko na i-elaborate kasi baka makilala ninyo kung sino ito,  at kung lalaki ka at iniisip mong ikaw ito . . . uh . . . sige bahala ka mag-isip.

Nakilala rin kita sa wakas at nakilala mo rin ako! Pero, pero at malaking PERO! bakit ganun? bakit . . . parang di tayo bagay? o_O Parang isang Korean tele nobela lang ang buong pangyayari, oo na, langit ka at lupa ako. Hangang ganito nalang ba tayo? LOL ang drama ko.

Ngayon ko lang napagtanto, at aaminin ko sa madlang pipol, di ko kayang tapatan si Dream guy. *sigh* mukhang madami pa akong kakainin na bigas (as in literally). Pero kailangan ko ba talaga siyang tapatan? O hayaan ko nalang akong maging ako at wag mapressure? Sa sobrang payak ng buhay ko para akong . . . ako. sorry di ko maexplain. (-_-)’

O well, oo na magaling ka. Hindi naman ako bitter, I’ll just admire from afar. NUKS!

Tuzki Bunny Emoticon current mood: nangangarap ng gising.

Inday goes to America: leaving on a jet plane

I Anatotski aka Inday ay paalis na papuntang America. Nakahanda ang aking mga bagahe (damit at pasalubong). Deez eez eet!!! *hinga ng malalim* maglalakbay na ako mag-isaaaah!

Papuntang airport hinatid ako ng buong barangay. Syempre dapat may entourage, sila nanay, kuya shongabel, kuya vaklush, kuya chorly, ate hoklers, ate net, robyn, bok-bok, jun-jun, ning-ning, ging-ging, at iba pang tropa ng batibot tulad nina sitsiritsit at alibangbang. Syempre bago umalis hindi mawawala ang picture picture! Posing dito, posing doon, pagkatapos noon nagpaalam na ang magiting nyong bida.

 

Perst playt: Manila to Guam

10 PM ang alis ko galing Manila at tatlong oras lang ang aking byahe papuntang Guam at nasa NAIA airport na ako ng 6pm. Aba! Dapat nang maaga kesa naghahabol diba! So nakalimutan kong kumain sa sobrang excited. At dahil kinakabahan ako at nagbuild up na ang asido sa tiyan ko sa gutom, alam nyo na kinalabasan nun—gusto kong mautot. Sa loob ng eroplano na may mahigit 100 pasahero, pinigil ko ang namumuong sama ng loob sa tiyan ko.

 

Second playt: Guam to Honolulu

Pagbaba ko sa Guam dito ko na pinalabas ang bomba. Umutot na ako at naglakad ng mabilis, kung sinoman na kaamoy nun bahala na, di ko naman siya kilala. Speaking of bomba, bawal na bawal magjoke sa paliparan tungkol sa bomba. Seryosong usapan yun. Kapag narinig ka na may nabanggit kang may bomba ka, at kahit joke lang, pwede kang mahuli at ipakulong, worse pabalikin sa pinanggalingan mo, maslalo na kapag corny joke mo.

Dumaan na ako sa kaunaunahang immigration papuntang America. Tinanong sa akin kung perst taym kong pupuntang America (feeling ko pinoy yung nagtanong sa akin kasi iba yung ngiti nya, o baka crush nya lang ako. Wehehe!) at sabi ko “yes” sabay ngiti. Sabi nya sa akin, “go to the right side and enjoy the American soil.”

Ayus! Nakalusot na!

Tight ang flight sched ko. Pumunta na kagad ako sa gate ko at nagboard na. may katabi akong pinoy (hay salamat!). Total hours of flight: seven.

 

Tird playt: Honolulu to Houston

Bago ako sumakay ng eroplano kailangan ko munang dumaan ng customs. Kailangan nilang icheck kung ang bagahe ko ay may mga bagay na hindi ko pwedeng dalhin sa loob ng kanilang bansa. Papunta ng customs tinanong ako kung meron akong meat na dala, sabi ko, “I only have dried squids.” sabi ng customs, aside from dried squids do you have any fresh meat?” sabi ko “none.” At yun lang ang tinanong, pinadaan na ako at sabi “your good.”

Sabay check ng papeles ko, hindi nya na pinabuksan yung bagahe ko at hindi na rin dinaan sa x-ray (ang cute ko daw kasi. Haha! Joke. . .)

Inaantok na ako ng bigs tayms at minamigraine na rin ako sa antok. Pagsakay ko sa eroplano nakita ko na ang katabi ko ay amerikano, ito na! mapapasabak na ako ng inglisan nito! Ilabas na ang tissue at baka mag-nosebleed!

 

itutuloy…

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: jet lag…