The Hero Story

What’s happening, Lord?

A prayer I uttered as I watch another news about terrorism. I squeezed my hands together placed it gently on my lips as I uttered another prayer. My words were so simple mostly crying out for peace.

What’s happening? What can I do?

I know after this prayer one day I will hear another news about terrorism, and another, and another. More lives will be killed maybe someone I love dearly or maybe my very own life. I felt very helpless about the situation, but am I really helpless? Is there really nothing I can do?

I went home bearing the heaviness of the situation. Sure I’ve heard news about terrorism before but that day was different. That day I needed to cry. So I did, I went inside my room closed the door and sat on my bed, I faced the world map I placed on my wall and cried again. Asked the same question,

What’s happening? What can I do?

Then I noticed something. Two verses I placed on my world map to remind me of what I should be doing.

“. . . my house shall be called a house of prayer for all peoples.” – Isaiah 56:7

“Perhaps this is the moment for which you were created.” -Esther 4:14

IMG_3862

I am called to pray at this very moment. Yes, just pray. I know about this already, so why am I still asking God? The method is not the problem, and the Holy Spirit revealed something in my heart that I did not expect. I wanted to be the hero.

He placed my focus back to Jesus and the Holy Spirit said, “He is the real Hero in this story.” I stepped back and acknowledged His presence.

Jesus, at that moment, lifted the burden off my shoulders placed it on His and said, “it is finished.” God has already given the solution to this problem, and His name is Jesus.

Some people may say I am too naive and too simplistic. Granted. But one thing I know and I will hold on to this—we do not need another political leader to change the world, we need a Saviour and a King who loved us and forgave us of our sins and who will teach us to do the same to the people we both love and hate. And until the whole world knows Him, my job is not yet done.

tuzki-bunny-emoticon-021  Current mood: Meditating

Advertisements

When you Experience Injustice

After hearing a preaching from pastor Steve Murrell about being grateful I didn’t expect that I will practice what I have learned immediately.

When a person experience injustice the question he/she should ask is this, “What kind of person do I want to be?”

“Do I want to be bitter?” Or “Do I want to be better?”

cce2bf0af49ad32dd0c16c8529786a76

EVERYTHING I TELL YAH!

All of us experience injustice, but how we respond and what we choose to become is really up to us. I’ll leave these questions for you to answer but as for me, learning from Jesus’ teachings and how He lived, I choose to be better––I choose to love.

 

YES  current mood: WIN!

Status: In a Relationship

Sa simula ng bawat taon madaming bloggers ang nagsusulat ng kanilang “Things I want to do this New Year.” Madaming gusto maging positive at forward looking, hopeful at punong-puno ng possibilities. Nothing wrong with that, pero trip ko lang ngayon magpakasenti at magsulat (at ishare) ang natutunan ko last year. At dahil madami akong natutunan, ifocus ko nalang ang topic na madaming hits sa aking blog—ang pagiging single.

Ewan ko kung bakit madaming hits ang mga tags ko about relationship, single, love life, and whatnots. Sadya atang nakakaintriga ang buhay ng artistang single.

Chos!

1) Being single is not a disease
Do I need to explain? LOL! Sige na nga.

Marahil nung family reunion madalas mong marinig ang tanong na “O, may boyfriend/girlfriend ka na ba?” at kapag sinagot mo ng “Wala pa po eh.” Manlalaki ang kanilang mga mata at sasabihin “Bakit??!!” na parang may ginawa kang kasalanan. The society treats singleness like a disease as if something’s wrong with you, and the only remedy is for you to get married. As a result, we tend to think that there is something wrong. Nope, you’re fine. It’s our perspective about being single that’s perverted.

Singleness is a gift, like being married is a gift. It’s a season in life that we need to celebrate. Instead of loathing and envying people, be productive. I know it’s easier said than done especially when you’re all alone during holidays (believe me, I’ve been there). So let’s continue, shall we?

2) Prioritize
Simula ng 2013 hindi ko binigyan ng halaga ang love life, hindi ko manlang ito sinulat sa aking faith goals. Hindi naman sa dahil ayaw ko nang umasa, may masbinigyan lang akong priority at ito ang aking relationship kay God.

Ang dasal ko nagbago, instead na “Lord, sana may manligaw na sa akin” naging “Lord, ligawan mo ako.” Instead na “Lord, nas’an na siya?” naging “Lord, nas’an Ka na?” At dahil dun, binihag Niya uli ang aking puso; ang dating nanlalamig na pag-ibig ko sa Kanya ay biglang nag-alab muli.

3) Wait, and wait some more
Madami akong naririnig na mga single women na nagrereklamo na “bakit hindi pa siya magsabi sa akin?” and “bakit ang bagal niya?” Ladies, ito lang masasabi ko, masmainam na pinag-pray ka nung guy at pareho kayong mag-antay kay Lord, kesa ligawan ka kagad ng hindi manlang pinag-iisipan ang ginagawa niya—not praying or not seeking help/advice, in short, he’s not doing his homework.

Better wait. Kung gwapo siya, hindi na siya magmumukhang gwapo kapag nag-aaway na kayo. Pramis, hindi siya kawalan. I’m not a man hater, but ladies we have to know our worth.

benefits of dating me

And lastly,

4) Delight
To all my beautiful single readers I want to remind you that God delights in you.

As a bridegroom rejoices over his bride, so will your God rejoice over you. (Isaiah 62:5b)

Your beauty enthralls the King; you are always in His mind. He gives you only the best. He lavishes you with His love everyday. Are you not convinced?

No boyfriend can make you completely happy; no fiancé can fulfill all his promises; no husband can save you.

Delight in God. No equally sinful man, like us, will ever satisfy what we truly need. Unless we are convinced that He alone satisfies us, we will never be completely contented.

Be in love with Him first.

 

46  Current mood: Chill lang.

#NotetoSelf

Sa social media napansin ko na madaming mga passive-aggressive na nilalang. Ang mga passive-aggressive ay isang kaugalian na kung saan nagpapakita sila ng pagtutol sa hindi agresibong paraan; umiiwas sila sa confrontation pero pinapakita nila ang kanila pagkasalungat sa pamamagitan ng procrastination, pagsimangot, o di kaya sa pagpaparinig (na lagi kong nababasa sa social media).

Guilty ako dito kaya ako’y napasulat, gusto ko na ito maalis sa aking sistema. Na realize ko na ang pagbato ng mga salita sa internet ay tulad ng isang taong may baril na tira lang ng tira, at habang bumabaril iniisip na matatamaan niya ang kanyang target; hindi niya napapansin madaming inosenteng tao ang natamaan.

“Eh hindi naman sila ang pinatatamaan ko, bakit ako mag-aalala?” Well, yan din naman ang rason ng baliw na may hawak ng baril, hindi ba? “Bakit? Kasalanan ko bang nakaharang sila sa tatamaan ko?”

Hay . . .

Ang totoo, bawat careless words na nilalabas natin sa ating bibig, o di kaya sa ating pagtype at pagpost sa internet, ay meron taong nasasaktan. Hindi man natin intensyon ito, meron pa rin.

Bago tayo magpost, pag-isipan muna natin ng mabuti ang ating sasabihin; better kung huwag nalang lalo na kung alam natin na masakit na salita ito. AT kung hindi talaga natin kayang pigilan ang ating saloobin at sa tingin natin ay dapat marinig ito nung tao edi kausapin natin ng harap-harapan. Masmainam malaman ito ng tao mismo kesa ng madlang pipol na wala naman kinalaman sa nangyari.

Lastly, bago tayo pumuna sa maling ginagawa ng tao sa atin bakit hindi muna natin suriin ang ating puso. Sabi ni Jesus sa Matthew 7:1-5 (The Message)

“Don’t pick on people, jump on their failures, [and] criticize their faults—unless, of course, you want the same treatment. That critical spirit has a way of boomeranging. It’s easy to see the smudge on your neighbor’s face and be oblivious to the ugly sneer on your own. Do you have the nerve to say, ‘let me wash your face for you,’ when your own face is distorted by contempt? . . . Wipe that ugly sneer off your own face, and you might be fit to offer a washcloth to your neighbor.”

Tandaan, kung ano man ang lumalabas sa atin na mga salita ay nagpapakita lang kung anung klaseng tao tayo. Ang tanong, ano bang laman ng puso natin?

enlightened  Current mood: Hindi gaanong busy. Yey~

AMALAYER, AMASINNER, AMASEYNT and everyone in between

Kumakalat ang isang video sa internet tungkol sa isang babaeng nahuling may inaaway na lady guard sa LRT station. At kung hindi mo pa napapanood ang video o nababalitaan ang insidenteng ito, malamang nakatago sa ilalim ng bato nung mga nakaraang araw. Madaming bumatikos, nainis, natawa, at pinagtawanan ang nasabing babae. Tinawag siyang AMALAYER dahil ito ang unang salitang paulit-ulit niyang sinasabi sa video. “I’m a liar?” ata ang gustong niyang iparating sa lady guard. Saglit lang ang video pero iba ang impact na dinulot nito sa mga Pinoy netizens.

Tulad ng babaeng tinatawag nila na AMALAYER ako rin minsan ay naiinis at nagsasalita ng hindi maganda kapag galit, sa jeepney driver na binaba ako sa malayong lugar, sa manong na naninigarilyo sa harap ko, sa kaibigan, sa kapatid, sa katrabaho. Kung sana pwede lang ibalik uli lahat ng masasamang naisibi ko noon ito’y gagawin ko, pero hindi, nasabi na at lumabas na ito.

At dahil diyan gusto kong ishare ang mga lessons na napulot ko sa AMALAYER video:

• Karamihan ng mga Pinoy, lalo na sa Metro Manila, ay may celphone na may camera at internet access
Meaning, mag-ingat po tayo sa mga kinikilos natin kapag nasa labas tayo dahil hindi mo alam baka yung katabi mo sa bus ay tinitweet ka na. Kung ang iyong suot, amoy, make-up, hairdo, etc ay pinupuna na sa ineternet paano pa kaya kung may inaway o di kaya’y inaabusong tao? Kaya maging maingat po tayo, extra ingat kapag nagmamadali ka at iritado ka na.

• Respect begets respect
Naranasan kong magtrabaho sa isang bakery bilang isang clerk nung freshman ako. Kumuha ako ng summer job para habang wala akong ginagawa sa bahay ay kumikita ako. Ilang beses na akong nasigawan at tinawag na “bobo” ng mga customers na feeling nila ay sobrang dunong nila sa mundo. Sorry naman at hindi ako kumuha ng anumang Math nung college. Hindi ako kumikibo pero sa loob ko gusto ko nang magwala. Dahil sa experience kong yun natuto akong respetuhin ang mga nagsisilbi sa akin. Tandaan na hindi binibili ang respeto. Kapag nirerespeto mo ang ibang tao rerespetuhin ka rin nito.

• Marunong humingi ng tawad at magpatawad
Para kay lady guard
na sinigawan ng babaeng irate, sana napatawad mo na siya. Pinagtanggol ka naman na ng mga netizens at na gantihan na ang kanyang “meanness.” Maraming salamat sa walang tigil na serbisyo ninyo para protektahan ang mga commuters sa anumang kapahamakan sa LRT.

Para sa mga netizens na nainiis sa babaeng yun, I think natutunan niya na ang kanyang lesson. Mag-move on na tayo, maraming pusang napapabayaan sa internet dahil inaatupag natin masyado ang #AMALAYER. Bilog ang mundo at baka macyber bully rin tayo kaya peace lang mga repapips. Let’s spread love and joy because everyday is Christmas day. 🙂

Para sa babaeng binansagan na AMALAYER, nakakalungkot na kailangan mong pagdaanan ang pagcyber bully dahil sa iyong pagbuhos ng sama ng loob kay lady guard. Hindi namin alam ang mga pinagdadaanan mo sa buhay, patawarin mo sana ang aming insensitivity. Ito’y isang life lesson na mabigat pero nangyari na ang nangyari. Sana maging bukas sa iyong loob na patawarin si lady guard na nagtrigger ng inis mo, pati na rin ang taong nag-upload ng video mo sa internet, sa mga netizens na nagcyber bully sa iyo, at higit sa lahat ang iyong sarili. Forgive, learn your lesson, and become a better person.

Lahat naman tayo nagiging biktima ng ating sariling emosyon, ang tanong magpapabiktima ka pa ba?

 

  Current mood: good vibes mga repapips.

Be . . . attitudes (Part 2)

Kung nabasa ninyo ang first part ng “be . . . attitudes” series ipapagpatuloy ko na ang second half nito. Tulad ng nabanggit ko nung una ito ay gleanings ko mula sa libro ni Max Lucado na “The Applause of Heaven”, sana tulad ng naunang part sana mabless din kayo sa second half.

Wala na akong paliguy-ligoy pa. Ipapagpatuloy ko na ang next part ng “be . . . attitudes”

• Be merciful.

Blessed are the merciful . . . (Matthew 5:7)

They are the one who have genuinely received the love of the Father and they in return have chosen to forgive. For they understood grace, the unmerited favor and love of God, and they are also willing to give what they have freely received.

They will receive mercy.

• Be pure.

Blessed are the pure in heart . . . (Matthew 5:8)

They are the ones who saw God’s holiness and saw how filthy their heart is—a heart that is marred with sin. For they want to approach a holy God with a clean heart. They’ve allowed God to purify them for they want to be cleansed inside and out.

They will see God.

• Be an ambassador of peace.

Blessed are the peacemakers . . . (Matthew 5:9)

No more striving for power. No more “I am right and you’re wrong.” No more wanting to be God. No more selfishness. For they value something more than power, they value the relationship. They are the ones who plant the seeds of peace.

They will be called children of God.

• Be ready

Blessed are those who are persecuted because of righteousness . . . (Matthew 5:10)

To suffer for Jesus is part of surrendering your life to Him. To be ridiculed, rejected, or even get killed for Him is part of living your life for His glory. Remember that we are temporary residents of this world but we will be reunited with Him soon. And Jesus, who willingly gave His life for you and me so that we will be with Him in eternity, will welcome you applauding and will say “Well done good and faithful son/daughter.”

Theirs is the Kingdom of Heaven.

Summary:

It starts when you know you are empty without God > then you accept that you cannot do it without Him > you rely on His power > and then you crave for His righteousness > you forgive others > you are purified > some people will start to hate you but take heart because great is your reward in Heaven.

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Rest day!

On weddings and funerals

Pabalik na ako sa lalawigan ng Tralala nang magkaroon ako ng realization sa sarili ko—kung papipiliin akong kung aattend ako sa isang wedding o funeral, masgugustuhin kong pumunta sa funeral. It’s not that I don’t like weddings and happy events and I’d rather be sad and wallow in depression, No. Inisip ko nang mabuti at meron naman akong reasons kung bakit:

  1. To bring comfort
    Sa funeral hindi ka nakakatanggap ng invitation, it’s more of an announcement from the family na pumanaw na yung isang mahal nila sa buhay. Hindi ka naman nila ineexpect na pumunta pero kung pumunta ka mas-iisipin mo kung paano ka makakatulong sa kanila kesa paano ka nila ihohost. Kung pwede ka tumulong magbigay o magdistribute ng food, mag-usher ng guests, or simply just cry with them and pray for the family. Sa funeral kasi masiisipin mong tumulong kesa maentertain, I think less of me and more of others.
  2. It’s more real
    I like weddings, I love to see two people exchange their vows and I like celebrating with them (especially kapag kaclose ko yung couple). Pero minsan may mga weddings na masiniisip pa ng mga tao yung gimmicks and how to please the guest at nawawala na yung essence ng wedding itself. Yung iba natatabunan na lang sa wedding themes, food, souvenirs, atbp., and a beautiful wedding doesn’t promise a beautiful marriage. In funerals however it’s “celebrating” the life of the person who passed away. Though yung ibang funeral may gimmicks pa rin pero masasabi mo na kapag maganda yung funeral ng isang tao ibig sabihin he has lived a beautiful life that’s why people love him so much.
  3. The take home
    After kong umattend ng isang funeral I tend to think about life, my love ones, and how I want to make an impact to the people around me. Naiisip ko kung anung isusulat nila sa lapida ko at naiisip ko rin kung anung sasabihin nila sa eulogy. Hindi naman sa insecure ako, pero ayoko lang na mawawala ako sa mundong ibabaw na wala akong nagawa para tumulong sa kapwa.

Hindi ko sinasabi na huwag ninyo akong iinvite sa wedding ninyo, LOL! I’d be happy to celebrate with the people I love. May wedding na rin na umiyak ako at nakita ko yung goodness ni God. But I also love celebrating life, especially the life of person that made an impact to a lot of people.

  current mood: Weekend? What weekend?