Mga Pasasalamat

Magtatatlong taon na pala ang Coffee Cup Adventures at sa mahigit dalawang taon ng pagsusulat ko dito madami nang naging milestones ang blog na ito. Hindi ko inaakalang madami magbabasa ng posts ko dito. Dahil tagalog akong magpost, hindi ko na inaasam na makarating ang aking blog sa kabilang dako ng mundo, nakalimutan ko na madami nga palang Pilipino sa ibang bansa kaya nakakarating ito sa malayong lugar. Sa lahat ng mga Pilipino na nasa ibang bansa na nagbabasa nito maraming salamat sa pagbigay ng oras sa pagbasa ng mga posts ko. 🙂

Kamakailan din lang na may nag-review ng aking blog. Nagkataon na nakita niya ang Coffee Cup Adventures sa TopBlogs.com.ph at sinulatan ako ng review. Maraming salamat sa review, nakatulong ito para mag-improve pa ako at natuwa akong malaman na meron akong napapasayang mga tao sa aking mga sinulat. 🙂

Sa mga dayuhan na nagbabasa ng blogs ko kahit hindi ninyo ito maintindihan, maraming salamat! Sana nga lang ayusin ng google ang kanilang translation noh, para magkaintindihan tayo ng maigi. Tsk!

Sa mga kaibigan ko at mga hindi ko kakilala na naglagay ng Coffee Cup Adventures sa kanilang blogroll marami rin salamat. Madami akong napupulot na aral at inspirasyon sa inyong mga blogs.

Sa mga taong nagcocomment sa aking mga posts, gusto kong ipaalam sa inyo na ito ang nagbibigay sa akin ng energy para magsulat ng magsulat. Comment driven blogger ako. Kumpera sa blog stats masnatutuwa ako kapag may nagcocomment sa posts ko. Sadyang mahilig lang ako sa interaction. 🙂

Sa mga mambabasa ng blog na ito gusto ko lang ishare ang isang good news sa inyo, last week umabot ng mahigit 6,000 ang unique hits ng Coffee Cup Adventures, alam kong konti palang ito kumpera sa ibang mga sikat na bloggers pero para sa akin isa itong milestone bilang isang manunulat. Sana patuloy pang pumayagpag ang blog na ito at sana madami pa akong taong mapasaya sa mga nasusulat ko.

Maraming maraming salamat! Sana hindi kayo mag-sawang bumisita sa Coffee Cup Adventures. 🙂

current mood: inaalalang libre ang mangarap